Tuesday, February 21, 2006

three months

Good Morning!!! ang Aga ko nagblog noh.???? 6:00 pa lang sa clock namin dito sa bahay....

una sa lahat gusto kong sabihin na three months na kami ni Pa kahpon.. ang saya lang talaga.. masasabi ko naman na maganda yung takbo ng relationship namin. At sana laging ganoon.Wala pa naman akong masasabi na nagkaroon kami ng super duper major away. siguro, mga minor pa lang yung nangyayari..hehe....un lang..

pero ngayon, sobrang hindi ako masaya..alam nio kung bakit??pano naman naiinis ako sa sarili ko. As in major INIS sa sarili ko. Supposed to be kasi hindi ako matutulog kagabi, kasi gusto ko ng matapos yung Health Teaching ko na due mamayang 10:00 ng umaga. Eh sobrang antok na ako kagabi, kasi wala pa nga rin talaga akong tulog simula pa noong sunday night. Eh di sabi ko, "IIDLIP LANG AKO SANDALI". kasi syempre gusto ko naman na makapagpahinga. Ayun, natulog ako....at kamalas malasan nga naman hindi na idlip yung ginawa ko, Tulog na talaga siya. Hindi ako nagising and guest what??? kaninang 5:00 lang ako nagising. ANG SAYA DIBA???? eh ayun, nung nakita ko yung oras, sobrang nainis talaga ako... lahat na ng emotions na pwede kong maramdaman. Tapos alam nyo ba unti-unti ko ng nararamdamang tumutulo yung luha ko.. as in, NAIYAK talaga ako, hindi ko na kasi alam gagawin ko. Yung tipong pakiramdam mo ikaw lang mag-isa sa mundo. Wala kang makasama para tulungan ka sa mga gagawin mo. Ang Hirap, Hirap.. Pero, on the other hand, narealize ko na kasalanan ko din naman eh. Kasi dapat ginawa ko na talaga siya ng mas maaga. Tinapos ko sana siya kaagad para hindi ako nagccraming ng ganito. Ewan ko ba?!! lagi na lang akong ganito, walang pinagbago. Ang hilig hilig kong minamadali yung sarili ko. Eto talaga yung isa sa mga ugali ko na gusto ko ng baguhin.. hindi ko lang magawa... WWAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHh....Kakainis talaga... kung alam nyo lang kung gaano ako Naiinis sa sarili ko...kung gaanong kaba at takot yung nararamdaman ko ngayon. AYOKO NA!!!! NAIIYAK talaga ako... hindi pala...UMIIYAK na talaga ako....waaahhhhhhhhhhh.. CRYBABY.....cige na....got to go na....kylangan ko ng tapusin yung ginagawa ko. Nagblog lang ako para mailabas yung nararamdaman ko. Ang bigat kasi eh.. umiiyak ka tas wala kang masabihan kung bakit...hay!!! Kaloka talaga ang buhay... GOD BLESS ME......

Ilove You pa...
:D

Friday, February 17, 2006

my analizations...hehe

grabe..sobrang tagal ng hindi na nakakapag post. actually, sobrang dami ko na ngang gustong ikwento. As in sobrang dami na talaga. Yung mga ngyari sa akin last week. Kaya lang, sobrang wala kasing time para magnet ngayon eh. So ayun, tsaka ko na lang muna isshare sa inyo yun. Unahin ko na lang muna ishare yung mga ngyari sa akin dis week.

KAMUSTA NAMAN???? yan ang tanong ko talaga...wala lang...parang...KAMUSTA NAMAN ang buhay ko diba? sobrang busy kasi ngayong week na ito. at syempre it's all because of our activities sa school. Sobrang busy-busyhan talga ngayon sa skul...as in....dami kylangan ipasa. puro puyatan....at WAlang tulugan talaga...alam mo yun...Lalo na sa RLE namin. kasi ang hirap talag noong ginagawa namin ngayon sa RLE. as usual nanjan na naman yung mga revisions na kaylangan ipasa. tapos nanjan din yung OVERNIGHT.. hindi nga overnight kundi over stay lang... kasi hindi ka din naman makakatulog...grabe talaga...hay...

Kanina nga sa RLE, nagkaroon pa ng iyakan session. HAY!!! ganito kasi yun. IpPresent kasi namin sa mga CI nmin yung na-revise na CDX namin para sa community namin sa Inadng. Kaya nga lang wala kaming Visual Aid na nagawa kasi sobrang kapos na talaga sa oras. Eh di ayun na nga..so ang ginawa na lng is bingyan kami ng mga CI namin ng time para makapagprovide na visual aid namin. Eh di ok na noh...kasi ang bait nila, binigyan pa nila kami ng consideration. Ang swerte namin dahil understanding yung mga CI nmain, lalo na si Ma'am Lomboy. Enweiz, eh di ayun na nga...nagusap-usap na dapat mag-cooperate ang buong A04G28..tsaka napagusauapan na dapat lahat mayrong pentel pen para mas maging productive kami sa paggawa ng visual aid... kaya nga lang, kanya-kanya yung bili ng pental.. Shoot..d2 na nagstart ang gulo... c marj kasi, di xa pumayag na bumili ang bawat isa ng pentel...kasi ang gusto niyang i-point out eh yung sa FUND ng clase...sinasabi niya na bakit hindi na lang sa fund kunin yung pambili ng pentel.. marami pa naman daw kasing pera... parang quenestion ni marj kung san na ba napunta ung fund ng klase...hanggang sa ayun nagkaiyakna na kaai parang lumalabas na kung saan lang napupunta yung pera...kaya yun....hay...sobrang kala ko talga di na maayos pero after nun...okey na din nman....hay....

Sobrang hirap talaga kasi noong ginagawa namin...lalo na yung mga comitee....alam mo yun yung effort pa lang nila na pumasok ng maaga para makapagmeeting and umuwi ng late para matapos yung mga dapat matapos....sobrang amazing talaga sila...sina...Jenny, janica, Jermer, Jhe, Bryle, Beybi, Khing, Christian, kuya chris, marsie, kristine, tatel and marami pang iba... honestly, ako nga mismo nahihiya eh, kahit na alam ko na may naitutulong ako...eh HELLO, visual aid lang naman yung ginagawa ko eh..eh sila!!!!!!!!! kasi iba pa rin yung effort na ginagawa nila para sa buong klase... yung pigain mo ba nman yung utak mo para maging equal yung pagtatally....yung magisip ka ng interventions at ANALYSIS.... WOW!!!! di kaya ng utak ko yun ha....sobrang saludo lang talaga ako sa kanila...

i hope hindi naman mahati yung klase namin, diba? kasi, sa ngayon, hindi talaga namin kaylangan na magkawatak-watak...mas kaylangan ng clase namin na maging united...suporathan yung isa't isa....yun talaga yun...at xmpre dapat wala na lang sumbatan just do your part na lang...diba....just hope that everything wolud be ok na....maging maayos na yungirerevise na CDX...wala ng misunderstanding na mgyari..wala ng iyakan pa na mangyari...Godbless A04G28...

so ayun, till here na lang muna....wala pa din akong tulog eh...ang tibay ko....hehe.... gusto ko na talaga mag-blog eh...sana ma-post ko na din yung iba pang ngyari sa akin...waaahhhh.... By for now....baboossshhh...mwah

Ilove you pa..
Thank You GoD
:D

Wednesday, February 08, 2006

RLE diLeMma..waaahhhh

RLE....shocks!!! RLE na sa friday...medyo dami pa kaylangan ma-accomplish ng A04G28... and i dont think na nakakatulong ako sa class...wala lang....ewan ko...bsta, sobrang dami nila gigawa ngayon...just hope na matapos ng class yun before mag-friday...nakakainis pa niyan..midterm week din namin ngayon, kaya medyo NGARAG-NGARAG na talaga...hay..kasi kaylangan pang mag-review at the same time....hay....waaahhhh...

and wish ko lang sana...huwag masyado pahirapan ng mga C.I. yung A04G28 sa pag-dedefend sa friday....hay....wish us luck...GodBless us....waahhhhhh..
Bye for now.....got to zzzzzZZZZzzz pa eh...sleepy na q....*yawn*

ilove you pa
:D

ang bad ni che...

hello.. gusto ko lang i-share yung ginawa ko kanina. Ang Bad talaga nung ginawa ko. Kanina kasi, after ng Bioeth class namin, inutusan kaming dalawa ni Je-an ni bryle na pumunta ng national bookstore. Bumuli daw kami ng poster paint. Gagamitin kasi namin yun sa P.E. presentation namin. Eh di ayun na nga. Pagdating namin ni Je-an sa may National deretso agad kami sa my section ng mga poster paint. pagdating namin doon, may nakita akong isang guy.. Bali yung suot niya kasi na T-shirt parang katulad nung T-shirt na ginagamit namin sa RLE community namin..nung nakita ko siya naka-squat xa sa my floor na parang nagaayos siya ng kung ano pa man. eh di nag-excuse ako tapos tinignan ko na yung mga poster paint... kaya lang, wala yung color na kaylangan namin. Eh sobrang naiinis na talaga ako noon..kasi kanina pa kami ni Je-an pabalik-balik sa national.. ang talagang nasa isip ko lang noon eh mabili yung lecheng poster paint na yan...eh di eto na... Alam nio ba naman kung ano yung ginawa ko...Tinanong ko yung guy na nakita ko kanina..ganito pa yung sabi ko.."Kuya, wala na po ba kayong color yellow na poster paint? bakit wala na po?" take note ha, hindi ako nakatingin dun sa guy..basta nakafocus lang yung attention ko sa mga poster paint.. and yung way talaga ng pagtatanong ko is parang naiinis na...at alam nio ba kung anu sagot nung guy..ganito.."HA!!!ako ba??? bakit ako??" sobrang takang-taka siya...and syempre napatingin na ako sa kanya. And sobrang tagal pang nag-register sa utak ko yung ginawa ko..after ilang seconds ko lang na-realize na customer din pala siya...sobrang hiyang-hiya talaga ako dun sa lalaki..tapos ang nasabi ko na lang.."AAAhhhhhh..ay, Sorry..." tas biglang banat ng "je-an, tignan mo pa nga yung iba dun sa kabilang side.." ang tibay ko noh?? grabe sobrang hindi ko alam kung paano magsosorry dun sa guy... hanggang sa pag-alis namin ni Je-an sa National nagsorry ako sa kanya...Nakakahiya talaga... Ang bad, bad ko...wahehehee...

Friday, February 03, 2006

aNg hiRap nOh??!!

>>Wednesday, February 01, 2006.. 2:00 A.M.<<

Minsan kahit anong pilit mong maging masaya,
hindi ka pa rin nagiging masaya.
Siguro nga may mga pagkakataong masaya ka,
pero dumadating pa rin talaga yung oras na bigla ka na lang nalulungkot.
At ang masaklap pa niyan, nalulungkot ka kasi nakikita mo siyang masaya.
Ang gulo noh? Nagiging makasarili ka ba? Ewan ko!
Hindi naman siguro...
Siguro natatakot ka lang na baka hindi ka na niya kaylanganin sa buhay niya,
kasi nakikita mo naman siyang masaya.
Natatakot ka, kasi naiisip mo na kahit mawala ka, walang epekto yun sa kanya,
kasi masaya naman siya. Totoo naman yun eh... Parang kahit mawala ka sa buhay
niya, masaya pa rin naman siya diba??
Hindi kawalan yun sa kanya... Madami naman siyang "K A I B I G A N" na nagpapasaya sa kanya.
At tsaka completo na naman yung buhay niya diba??

So, kung ganoong nakikita at nararamdaman mong masaya naman siya kahit mawala ka,
bakit hindi mo pa siya iwanan??

Ah, alam ko na ang sagot mo...
Masaya nga siya kahit wala ka, pero ang tanong, masaya ka ba kung mawawala siya??
Hindi diba???
Kaya kahit nahihirapan ka na, hindi ka pa din bumubitiw, hindi ka pa din sumusuko..
Kahit hirap na hirap ka nang sabayan siya, tuloy pa rin. At kahit hirap na hirap
ka ng sabayan yung mga taong nakapaligid sa kaniya.. Sige pa rin..

Pero teka lang ah.. Bakit?? Ganoon ba talaga kahirap pakisamahan yung mga tao sa paligid niya?
At syempre alam ko na rin ang sagot mo dyan..

Hindi naman siguro sila mahirap pakisamahan, kaya lang kasi minsan hindi mo alam
kung totoo ba yung ipinapakita nila sayo. Minsan kasi kahit ayaw mong isipin o
maramdaman, mararamdaman mo pa rin na ayaw nila sayo. Na baka kaya lang sila mabait
sayo, kasi boyfriend mo yung kaibigan nila.

Pero teka lang ulet ah... baka naman ikaw lang ang nag-iisip na ayaw nila sayo???
O baka naman ikaw ang may ayaw sa kanila????
At syempre alam ko na ulet ang sagot mo dyan...

Hindi rin noh... aminin mo, medyo ayaw mo din sa kanila?? Medyo lang ha!!?? Ewan!!!
siguro nga, mahirap lang talaga timplahin yung ugali nila, diba?? Minsan kasi okey sila,
minsan naman hindi..

Hay!! ang pag-ibig talaga... Ganyan talaga yun... Kung mahal mo siya, kaylangan mong
tanggapin lahat ng nakapaligid sa kanya.. Diba??!! Huwag kang susuko kahit nahihirapan ka na.
Dapat kayanin mo, kasi naguumpisa pa lang kayo. Marami pa kayong pagdadaanan. Kung susuko
ka ngayon, malamang sa huli ikaw ang lalabas na talunan.

Pero, may isa na lang akong tanong sayo.
Eto na lang ang pinakamalupet na tanong dyan!
Hanggang Kailan mo kakayanin? At hanggang kailan mo itatago sa kanya na nahihirapan ka na?
Mahirap Talaga!!! Hay!!!

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are