Sunday, August 20, 2006

nine months

,


9th month anniversary namin ni pa .
Yun lang. Wala ng masabi eh. Haha
I'm happy to be with pa.
May God always guide and bless our relationship..
that's all..
chao

I love you pa.
Godbless.
mwah
Happy Anniversary

Thursday, August 10, 2006

???

The Thinker Very Confused

waahhh...ayoko na. hindi pa din ako makaisip ng topic ko para sa essay namin na due na bukas. hindi lang talaga gumagana ang mga brain cells ko. or should i say mapurol na talaga yung utak ko. hirap talaga. ang dami dami ko ng naiisip pero pag nasa ms word na ako, hindi ko naman alam kung paano ko sisimulan. hindi ako makapag concemptualize ng idea.. basta, labo-labo yung ideas ko.. ayoko talaga ng gumagawa ng essa.. tas isa ko pa pa lang problem ay yung grammar ko... Spinnng wahahahahahaaha nakakahiya ako...college na, wrong grammar pa din...wish ko lang talaga makagawa na ako... kulang na kasi yung oras ko.. nid help na....

i love you pa!! Godbless!!

Friday, August 04, 2006

what's up??

got nothing to do, feel ko lang mag-blog. ay, hindi pala medyo marami din akong kaylangan gawin, pero eto ako nakaharap na naman sa computer at nagbblog. nyahay!

ano na bang meron kay che ngayon? ano nga ba?
  • may sinat, sipon at ubo ako - bago pa ba ito? hindi na. lagi naman eh. nakakinis na nga. hindi na ako nawawalan ng sakit. parang kelan lang yung huling beses na nagkasakit ako, tapos eto na naman ulet siya. Hay!
  • nagaway kami ni kuya - yup! away kami kahapon. may nangyari lang kasi eh.
  • may problem ngayon ang aking pamilya - ang tatay ko, hindi alam kung makakauwi pa ba sa amin o hindi na.
  • unit exam & quiz - may dalawang unit exam ako bukas at isang quiz.. at hindi pa ako nakakapagaral. gusto ko na ngang magpahinga.
  • essay - ni-required kami ng IN na gumawa ng isang essay with any topic that we like. minimum of 500 words. grabe, ang tibay nila, hindi ko alam kung anong kinalaman nun sa amin diba.. dadag trabaho lang.. wala pa nga akong maisip na topic eh, at sobrang ayoko ng gumagawa ng essay kasi..... kasi hindi ako magaling dun eh.. mahilig akong mag-blog, pero gumawa ng essay, hindi no.. walang akong talent dun.
  • acquiantance - sa sunday na yan, at wala na kaong balak magpunta. before, sobrang excited ako na magpunta. and i was like preparing for it talga, kaya lang nagbago ang ihip ng hangin at bigla ko na lang ayw pumunta.. Hay!
  • not feeling good - depressed, hindi ko alam kung bakit.. feeling ko may hindi tama sa akin ngayon. physically, emotionally and mentally. hindi ko talaga alam kung bakit. at hindi ko din alam kung ano.. ang gulo ko na naman..
  • meine liebe - wala lang.. i just love him so much.

chao!!

i love you pa

Godbless..

Wednesday, August 02, 2006

why am i like this??

hindi ko alam kung bakit? hindi ko alam kung ano pwede kong gawin? alam ko kasi meron akong pwedeng gawin, alam ko meron akong kayang gawin, alam kong meron akong pwedeng itulong. Pero bakit ganon, hindi ko magawa?..., hindi ko ginawa? tapos ngayon kung kelan huli na ang lahat, tsaka ako magsisi. lagi namang ganun eh, nasa huli ang pagsisi. Hindi ko naman kasi inasahan na dadating ang ganitong problema, hindi ko inakalang kakaylangin ko pala nung offer na iyon, na tinaggihan ko, na binalewala ko lang. hindi ko inaasahan na malaking tulong pala yun para sa akin.., para sa aming lahat. Bakit ko nga ba kasi hindi grinab yung oppurtunity habang nanjan pa. kahit na ang dami ng nagppush sa akin na gawin yun. umiral na naman kasi yung takot sa akin, sinabi ko na kaagd na hindi ko naman kaya yun, hindi ko man lang sinubukan. ewan ko ba!! napakarami lang kasing mga bagay yung nawawala sa akin dahil sa kahinaan ng loob ko.. ung mga oppurtunities na nanjan nawawala lang at nasasayang lang.. ang hirap kasi.. hindi ko alam kung paano maging malakas... ANG HIRAP MAGING MALAKAS lalo na KUNG ALAM MO SA SARILI MO NA MAHINA KA.. hindi mo alam kung saan ka kukuha ng napakaraming lakas ng loob.. siguro, kung mabibigyan lang ako ng isa pang chance, susubukan ko na talaga.. kakayanin ko ito.. alm ko naman na marami ang tutulong sa akin eh.. para makayanan iyon..

sana malagpasan namin itong problema na ito, naguguluhan kasi ako eh.. gusto ko lang talagang makatulong..

>>I'm hating myself for being like this..when will i ever change??<< Making A Wish

chao..
i love you pa
Godbless
Crying 1

two thumbs up!! *yeah*

kanina ay pinanood ko ang sukob(kasal at sumpa!!!)) kasama si pa, pucca, nicay, xtian at tatel.

Yup!! Sukob nga, ang pinipilahang pelikula ngayong buwang ito.. haha.. hindi na ako magtataka kung bakit pinipilahan. maganda kasi talaga siya.. two thumbs up talga. super katakot.. sunod -sunod yung mga scene na nakakatakot, kaya talagang breath taking siya.. Shock tinodo talaga nila, nakakatakot kung nakakatakot..haha..

Ganda talaga niya, wala akong masabi..sulit ang 120 pesos ko. pwede mo na talaga siyang ma-compare sa asian horror movies na lumalabas ngayon. iba na leveling nating mga pinoy.. haha.. galing din ng mga actors.. Kris and claudine are super galing... wala kang masasabi talaga...

basta, maganda siya..yun na yun... kaya ikaw kung hindi ka pa nakakapanood, nood ka na...wag nga lang magisa ha...HAHA!!! *sukubin ang kasal mo!!!*

bye!!
i love you pa!!
Godbless!!
Goofy

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are