Wednesday, August 29, 2007

movie galore

kahapon. nag movie galore kami ni pa. adik si pa e. hahaha. aun, masaya. nanuod kami ng dalawang movie.

1st stop. a love story. the movie was great. it's a tear jerker for me. haha. ewan ko lang kay pa, huh? ewan ko ba. masyado kasi akong nadadala sa mga lines and scenes sa movies. and i believe na nangyayari talaga yun sa tootong buhay. si angelika panganiban, epal! ang sexy niya. super hot niya. *whew!* ay naku! at ang daming INTIMATE moments sa movie. kakakilig ng sobra. hahaha. & infairness kay maricel, hindi siya nagpahuli. super flawless. and bare kung bare. hahaha. aga is soo gwapo & macho. he's soo hot!!! basically, umiikot ung buong movie sa idea of love, being love by someone & giving love in return. kaya nga "a love story" yung title e. it's like, doing everything for love. na tipong magpakababa ka para sa taong mahal mo. ako kaya? ano kaya yung kaya kong gawin for love? hanggang saan yung pwede kong ibigay for love. para kasi sa akin dapat pag nagmamahal ka, dapat binibigay mo yung lahat. para no regrets sa huli. pero hindi ka rin kasi pwedeng magsalita ng tapos hanggat hindi ka nalalagay o hindi mo naexperience yung ganung situation sa buhay mo. diba? ang gulo. complicated talaga ang love. pero masaya pa rin ang ma-inlove. hahaha.

next stop. Evan almighty. hahahahahahahahahaha. tawa ako ng tawa. sooobra talaga. galing! napaka inspiring. ang masasabi ko lang after the movie, "GOD is sooo GREAT." if you want to change the world, do an Act of Random Kindness at a time. if you asked God for something he would not give you the exact thing you've asked for, but he will give you the chance to experience what you've asked for. GETS?? labo ba? hahaha. panuorin mo na lang evan almigthy. hahaha.

i love you pa. Godbless.

Thursday, August 23, 2007

spoiler

if you want to see a heart pumping stunts, breath taking routines, gorgeous and handsome cheer dancers (xmpre lahat un sa IN. haha. bias!). just watch the feu inter-institute cheer dance tomorrow. AUGUST 24, 2007. 4pm. @ FEU GROUNDS. let's all support the. institute of nursing cheering squad. GO IN!!!! i smell victory. champion na to.

i love you pa. Godbless.

~walang duty. makakanuod aq. yipee! GO PA!

when need arises.

salamat, kasi pinaramdam nio sa akin na mahalaga ako. salamat ng madami. hindi ko inasahan na sa gitna ng problema ko dadarating ang tulong mula sa inyo. pinasaya niyo ako. hindi man kayo nakatulong literally, but the mere fact na pinakita nio yung concern nio sa akin napakasarap nun. salamat ng marami.

i love you pa. Godbless. =D

Monday, August 20, 2007

one and nine months

the bond that we've shared can never be replaced by anything
HAPPY 21st month anniversary!

Love is not the only reason why a relationship stands for years or till forever. we might think that loves holds the relationship. but what if you love too much and forget that love can also weaken or worst, destroy a strong relationship? i just realized that love is not enough. the secret of having a strong, lasting relationship is to trust the one you love . and to accept his/her weaknesses or mistakes. it's not how many tims you've forgiven, but how you've shown understanding.

i love you pa. Godbless.

Friday, August 17, 2007

Where was the furthest place you traveled?

nagsasagot ako ng survey sa friendster. nalungkot lang ako dun sa isang tanong. which is obviously the title of this post.

i wish i could go to different places whenever i wanted. batangas na yata ung pinaka malayong lugar na pinuntahan ko. maniniwala ka bang hindi pa ako nakakarating ng baguio? haha. kawawa naman ako. pag maraming marami na akong pera bawat sulok ng pilipinas pupuntahan ko. ang pinaka unang lugar na pupuntahan ko bicol. ewan ko ba, in love na in love lang kasi ako sa mayon volcano. gustong gusto kong makita ng up close and personal ang bulkan pati na rin ung cagsawa church. at bibisitahin ko na rin ang mga kamag-anak ko dun. akalain mong dun lumaki si mama pero di pa niya kami nadadala ni kuya dun. next stop xmpre ang baguio. woohooo. nakaka excite. na imagine q pa lang, na excite na ako. hay! mag picture picture talaga aq dun. ay naku! xmpre dapat by that time my camera na din ako. hahaha. ang sarap maglakbay sa imagination ko. sana mangyari lahat. hay!! tapos gusto ko din magpunta ng tagaytay. tapos boracay, tapos palawan, tapos bohol. at sa iba't iba pang lugar. hay. nakakaexcite na talaga.

i love you pa. Godbless.

Wednesday, August 15, 2007

Bitter?

"it takes quite a lot of good deeds to make people love you, but it only takes one lousy error for them to hate you."

"you know it's love when all you want is that person to be happy, even if you are not part of that happiness."

"the one who is good in taking care of other people is the same person who badly needs someone to take care of him/her too."

mga kaasiman lang sa buhay. hahaha. bitter ka ba che? hindi naman, sakto lang.

i love you pa. Godbless.

masquerade

im not good in expressing what i feel. i hate bothering other people just to share my tribulations. i usually cover-up my feelings. few people know the genuine me. others are usually blinded by the exquisiteness of my mask that they never tried to see through it. im hoping that someday someone would be able to remove this mask and be able to fully let me divulge my feelings and be able to take all my fears away.

i love you pa. Godbless.

Monday, August 13, 2007

Paulo Marquez Villacorte.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

si pau. isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang college life ko, kung bakit napagtiyagaan ko ang nursing, at dahilan kung bakit baliw ako. soulmate ko ata ang taong ito. ewan ko ba. sa mga pagkakataon kasing kaylangan ko ng makakausap o makakasama, siya yung taong pinapadala ni God para tulungan ako. noong panahong hindi ako nakapag exam dahil hindi na-approve yung promi ko, ikaw yung nakita ko habang nakatayo ako sa harap ng LB at hindi alam ang gagawin. noong naghahanap ako ng makakasama para manuod ng send off party, naglalakad lang ako papunta din ng LB nang hindi ko inasahang makikita kita. marami pang pagkakataon na lagi kang sumusulpot na parang kabuti tuwing mag-isa ako. ewan ko ba kung bakit. pero masaya ako sa bawat pagkakataon na nangyayari yun.

napakaswerte ko dahil kaibigan ko siya. salamat sa mga katatawanan. salamat kasi lagi mo akong pinapasaya. salamat sa mga panlalait sa akin. haha. salamat kasi tanggap mo ko kahit magkaiba yung leveling natin. alam mo namang eto lang ako tapos eto ka e~(may kasamang action yan ah =D) salamat kasi napagtiyagaan mo ako, kahit lagi ko nilalait yung buhok mo. hahaha. kahit na matagal na tayong hindi magclassmate hindi mo pa din ako nakakalimutan. sana magkita na ulet tayo. sobrang miss na kasi kita e.

Happy birthday pau. sorry kung late na yung greetings. alam mo naman busy ako eh. hahaha. wish ko na marami ka pang taong mapasaya (ano ka artista? haha). wag mo na masyado isipin ang mga problema sa buhay. matatapos din yan. haha. basta, kapag yumaman ka na wag mo ako kakalimutan ah. hehe. ingat ka lagi. love you pau. Godbless. =D

HAPPY BIRTHDAY PAULO!!!

i love you pa. Godbless.

Wednesday, August 08, 2007

pouring rain 2

sa wakas natupad na din yung pinagdadasal ng karamihan sa atin, ang umulan ng tuloy tuloy. nakakalungkot nga lang isipin na sa unti unting pag angat ng tubig sa mga dam umaakyat din ang mga tubig sa kalsada sa buong metro manila. karamihan ng lugar sa maynila ay lubog na sa tubig baha dahil sa walang tigil na pag-ulan. unang una na sa listahan ang malabon. overflowing na ang baha dito sa amin. kaninang umaga ko lang nakitang bumaha dito mismo sa tapat ng bahay namin. disaster talaga. hindi ko alam kung paano ako papasok. badtrip kasi yung CHED, ang tibay nila. ayaw mag declare ng suspension of classes sa college level. alam naman nilang konting ulan lang bumabaha na sa maynila e. tinanong nga siya ni arnold clavio si chairman puno ng CHED kung may pasok ba daw talaga sa college level kahit sobrang lakas at wala ng tigil yung ulan. abay sumagot ba naman ng isang matigas na, "OO" ang lokong yun. inis na inis talaga kami ni kuya habang pinapakinggan siya. buti na nga lang nagtext si pa at mga classmates at friendship sa skul na wala na ngang clase. pero si kuya kawawa kasi may clase talaga sila. lumusong tuloy siya sa baha. hehe. wala naman silang ginawa sa skul. attendance lang daw. sayang naman ang pagpasok sa skul. bakit kasi late na ina-announce ang mga suspension na yan. kung kailan nasa skul na ang karamihan sa mga estudyante tsaka sila mag-aannounce. hay! wala ng pinagbago.

nanunuod kami ni kuya ng balita kanina. tapos pinapakita sa tv yung mga binahang lugar. pinopoint out dun yung mga basura na nakabara sa mga canal. hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko at kung ano yung iisipin ko. tinanong ko si kuya, bakit kaya nangyayari yan? dahil sa poverty. e bakit may poverty? dahil sa mga walang kwentang presidente. bakit may mga walang kwentang presidente? dahil tanga yung mga tao sa pagboto. ay, ewan q sayo. pagkatapos ng maiksi paguusap na yun, naisip ko lang na meron siguro talagang malaking kasalanan yung mga tao sa mga nangyayari. wala kasi tayong disiplina e, tapos tayo rin yung nagbabayad dun sa mga kabalastugan na ginagawa natin. hay! when will Filipino peole ever learn? ano na kaya mangyayari sa atin sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon? hindi ko rin alam yung sagot e. God only knows.

i love you pa. Godbless. =D

Monday, August 06, 2007

Happy Birthday!

Happy 53rd Birthday MAMA!

birthday ni mama kahapon. i wasn't able to celebrate it with her. ang sabi niya kasi sa akin i-ttreat niya ako ng pizza hut. kaya lang dahil may duty kami hindi natuloy. sayang naman! 53 na si mama. tanda na. haha. pero malakas pa din. nag-wowork pa nga yan. i just wish her good health and safetiness sa lahat ng ginagawa. mahal na mahal ko yan si mama. salamat sa walang sawang pagaalaga mo sa amin ni kuya, kahit matigas ulo namin. wag ka magalala, konting tiis na lang. malapit na kitang gawing milyonarya (im praying for that!). haha. wag ka na rin sanang magisip masyado pagdating sa mga problema, lalo na financially. alma ko nahihirapan ka. pero gaya nga ng sinasabi ko magpray ka lang, mag pray tayo lagi. kasi God won't let us down. lagi mo yan tatandaan. at sana wag na rin mabilis uminit ulo mo, lalo na paghihingi kami ng pera ni kuya. hahaha. at sana din wag na kayo lagi magaway ni kuya. i love you mama. mwahh. happy birthday.

tumawag din pala si papa kahapon. usually kasi every august ang uwi ni papa. kaya lang nagkaroon kasi ng major paroblem sa papers niya e. hindi na siya nakapag renew ng visa. so ang nangyari nag pa extend na lang siya hanggang april. hindi kasi pwedeng umuwi na siya kagad ngayon. kapag umuwi daw kasi siya, wala na kaming kakainin. waaaahhhh. hay! ang daming problema na pinagdadaanan ng family namin ngayon. minsan ang hirap maging malakas. minsan gusto mo ng mag give up. pero hindi pwede e, kasi pag ginawa mo yun ikaw din ang magiging looser. im just praying that the Good Lord will continue to give my family the strength to surpass all of this. alam ko dadating din yung time na magiging happy together kaming lahat. i can't wait for the moment. it's not yet the end pa nman e. gaya nga ng sabi ni pa, "if it's not happy, it's not yet the end." i super love my family. ^_^

i love you pa. Godbless. =D

pouring rain

umuulan. woohoo. ang saya. nagtataka ka ba kung bakit ako masaya? umuulan kasi. at malakas siya at medyo tuloy2.

kung madalas kang nanunuod ng balita at concern ka sa nangyayari sa bansa natin or should i say sa buong mundo. sa tingin ko natutuwa ka din dahil umuulan na.

sabi sa news global warming na daw. and sa tingin ko nangyayari na nga siya. alam naman nating lahat na dapat by this time of the year may mga bagyo ng binabalita. pero august na wala pa ring kahit isang bagyo na eexperience ang pilipinas. ang weird diba. at dahil jan sobrang dami ng nagiging problema. kumbaga chain of reaction. dahil hindi umuulan hindi na fifill up ang iba't ibang dam sa pilipinas. dahil hindi na fifill up ang mga dam, nagkukulang yung supply ng tubig. at dahil kulang ang supply ng tubig nagkakaroon ng mga water interruptions. at dahil din hindi na fifill up ang mga dam, nagkakaroon din ng electricity shortage. dahil nga sa tinatawag nilang hydro electricity supply. hay! grabe. katakot diba. kapag daw nagtuloy tuloy ang hindi pagulan baka magkaron ng major blck out sa major parts ng luzon. at sana wag naman yun mangyari. kaya nga ipinagppray ko talaga na sana umulan ng umulan. nakakalungkot mang isipin pero nag-aagree ako dun sa sinabi ni mike enriquez. "kaylangan natin ng isang calamidad upang masolusyunan ang isa pang calamidad." nakakatakot yung nangyayari. minsan nga iniisaip ko baka pinaparusahan na tayo ni God because of our wrong doings. hay! lets just continue praying na malagpasan natin yung nangyayari ngayon. ang alam ko nagkakaroon na ng iba't ibang prayer vigil for the rain sa iba't ibang simbahan sa bansa. so guys, let's do our part mag pray din tayo ah. have faith in Him. and magtipid na rin tayo sa pag gamit ng tubig. un lang. GOD BLESS US.

i love you pa. Godbless. =D

Thursday, August 02, 2007

trying to understand your points.

Bakit pakiramdam ko nagiging selfish kayo. Bakit parang sarili niyo lang yung iniisip niyo. Bakit parang hindi niyo binibigyan ng consideration yung situation namin. Bakit kahit ang liit liit na problema pinapalaki niyo. sorry if i say these things. hindi ko lang kasi magets yung point niyo. pasensya kung hindi pa siya maprocess ng kakapirangot kung utak. aminado akong nasaktan ako sa mga sinabi niyo. anggara kasi e. parang ang big deal. siguro nga big deal siya kasi it's for the sake of everyone else. but i think may iba pang way para magawa natin yung sinasabi niyo. sana lang we may give considerations sa situations ng iba. para kasing ang dating kayo lang yung nasusunod pagdating sa mga decisions. you're always saying na you're open for everyone's suggestion, e bakit pakiramdam ko hindi nangyayari yun. i just hope that i'll be able to understand your points. kasi ayaw ko din naman nung nangyayari sa atin ngayon. i never thought that we will be having these kind of problems. sobrang masaya kasi ako nung una ko kayong nakasama. hindi ko lang alam kung bakit tayo nagkakaganito ngayon. hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa atin. the more kasi na pinipilit niyong ayusin, the more na nagkakagulo. may iba't ibang attitude problems. masyado kasi nating ginagawang perfect yung group natin. gusto natin perfect lahat. e kung tutuusin wala namang ganun. gusto natin ng change. diba mas maganda kung sa sarili natin uumpisahan yung pagbabago. we keep on pointing out sa mali ng iba, pero yung mga kanya-kanya nating pagkakamali di natin makita. everyone has their own choice to do what they want to do. and not everyone has the same positions in life like we do. so i think it would be fair enough if we'll just respect what they want.

"sory if i acted that way knna. honestly, im rily dsapointd kc im hoping n by ds tym m22loy n ung mga plans ntn. nka2pgtampo lng, kc d grp alwys end up s pggng hnd 2loy... every1 r xctd twng mgpplan tau, pro hnd q lam kng bkt pgdtng nung tym n un hnd tau lgi n22loy.. hannah knws wat i wuld lyk 2 pount out. i knw u guys hav persnal rison/s but we r tryng n mkmpleto tau twng my lakad pra nman mgkaron taung lhat ng tym 2 njoy w/ evry membr of d grp.. hnd kc ok 4 me n umaals ung iba tpos ung iba hnd ksama... as mch a posble gs2 q kc kmpleto tau lhat. pro muka po yatang imposible n un... =C"

cguro wag mo na nating ipilit ang mga bagay kung hindi pa talaga dapat. everything has its own time. mukha kasing malabo pa ngayon, lalo na't ilang beses na rin nating sinubukan ayusin ito. but im not saying na we give up. we just need to stop for awhile and refelct on the things that had happened. dont give up my dear, we''ll get through this. our group we'll get through this. wag tayo masyadong magmadali. and wag natin masyadong i-dwell yung attention natin dun sa mga hindi magandang nangyayari. coz i know for sure may maganda pa ring nangyayari sa atin. tulad nitong pinagdadaanan natin ngayon. one way ito para mag grow ang bawat isa sa atin. i just hope and pray that everyone will find ways to be happy. Godbless us.

i love you pa. Godbless. =D

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are