Monday, May 29, 2006

masaya ako!!

Oo, masaya talaga ako ngayon. Gulat ka no?? yung mga nakaraan ko kasing post, puro na lang ako malungkot. Well, i'm telling iba ako ngayon. As in!!!!Hindi ko alam kung bakit. Basta, ang alam ko wala lang akong dapat ikalungkot. Ewan ko ba, masaya lang talaga ako. And honestly gusto ko yung ganitong feeling ang gaan sa pakiramdam.

Ngayon ko lang ito ulet naramdaman after ng summer class namin. Hindi ko talaga kasi alam kung paano maging masaya simula nag-start yung summer class. Pakiramdam ko dati kapag ngumingiti ako ang fake niya. Pero nagyon, masasabi ko na bukal na sa puso ko ang bawat ngiting binibigay ko sa sarili ko at sa mga taong mahal ko. Siguro nga maraming bagay lang ang nangyari sa akin at nangyayari pa na dapat kong ikasaya. Hindi lang dahil sa wakas ay nakita ko na rin ang maganda kong pangalan sa bulletin board namin sa school at may section na ako.

Masaya ako kasi:
-I've got my new hair cut..
Yes!! nagpagupit ako w/ matching hair spa pa yun.Sosyal ba?? hindi naman.. mura lang naman yun eh. Hindi yun tulad ng iniisip mo na tipong umabot ng libo yung binayaran ko. Actually, wala pang 200 yung binayaran ko kasama na yung gupit dun, ang mura noh? Hello!hindi ako gagasta ng 500 or more than that para lang sa buhok ko noh. I'd rather use that money para bumili ng pagkain or i-rent ko siya ng VCD sa video city noh. Hindi kaya ako rich. And sa tingin ko okey naman yung resulta. Hindi ko naman kasi gusto na maging straight yung hair ko, I just want it to be soft and shiny and sa tingin ko ganun din yung ngyari. Tsaka, malamang pag nagstart na kaming magduty babalik rin sa dati yung buhok kaya ok na din yun.

-Purpose driven life
Yup! I'm reading the book of rick warren -The Purpose Driven Life- Alam ko medyo late na ako kasi matagal ng lumabas yung book na yan diba. Actually, matagal na rin ako meron niyang book na yan and i've already star reading that book in 2004 pa ata kaya lang hindi ko siya natapos. Nakakahiya mang sabihin pero hanggang chapter two lang ako. Yuckee noh?? Ewan ko ba, sobrang tamad lang kasi ako magbasa nun, parang binabasa ko lang siya kasi binabasa siya ng lahat, GETS?? Tapos last month nakita ko ulet yung book and then sabi ko sa sarili ko babasahin ko na talaga siya. And this time gusto ko na talaga siya basahin, and i'm happy kasi chapter 5 na ako bukas. Sa tingin ko napakalaking factor ang pagbabasa ko ng purpose driven kung bakit masaya ako ngayon. Simula nung binasa ko siya, bihira na akong magisip ng kung anu-ano. Parang ang gaan ng lahat, kahit hindi na.GETS ulet?? Ang dami ko lang kasi narealized, ang dami ko natutunan sa life at alam ko marami pa akong matutunan, Hello!! nasa chapter 5 pa lang ako, 35 chapters and days to go. HEhe!!

-Enlistment sa June 1
Sa wakas, makakapagenlist na rin ako. Yehey!! Wohoo!! Thank God. Nakuha ko na nga yung section ko kanina and classmate kami ni cez pati si hannah. Hay!! Thank God, kasi may kasam na ako ngayon i'm not a loner anymore. Wohoo!! ulet.. :D

-Nanjan si pa
Wala lang, masaya ako eh. Lang pakialamanan.. Tsaka masaya naman talaga sa pakiramdam pag alam mong nanjan yung mahal mo diba?? Nothing more, nothing less.. WUSHU..HEhe!!!

-Etc..
At marami pa talaga bagay ang ikinasasaya ko.. Nakapagpasukat na ako ng Clinical Uniform ko. nakabayad na rin ako. nagkita kami at nagkasama ng matagal nina Jaynee, tin2 at cez. nagpakulot ng buhok si khing(nyahaha!!bakit??) wala lang,para kasi sa akin bagay sa kanya eh and I like her new look, at natutuwa talaga ako. magduduty na kami..wahaha..malapit na yun, hindi nga ako kinakabahan eh,,nakakapagtaka yun??!! maski ako nagtataka.,alam nio ba kung ano nararamdaman ko?, excited ako as in super. HAy!!

Ang saya ko lang talaga, sobrang thankful ako sa pakiramdam na ito. Alam ko marami pang bagay ang mangyayari at hindi ko alam kung anu-ano ang mga ito. Masaya o malungkot man yan, confident kong sasabihin na "kaya ko yan", "kaya ko ito"..waahhahah..i'm proud of myself as in...Ikaw ba proud sa akin??!! alam ko proud ka..hehe!!

Salamat sa oras na ibinigay mo para basahin ito. Salamat, kasi bahagi ka ng sayang nararamdaman ko nagyon. Salamat!!!

I love you pa!!

Thank you Lord!!
:D :D :D :D

Friday, May 26, 2006

six months...

OMG!!.. hindi ako makapaniwala na nakalimutan kong magpost about this.
About what??!!

eh di yung six month anniversary namin ni pa...
waaH!!!

mag-iisang lingo na after nung six month anniv. namin at ngayon lang ako nakagawa ng post. nakakainis... gusto ko kasi na ipost dito lagi yun...and i'm so stupid kasi nakalimutan ko siya...pano naman kasi wla na akng time dahil halos isang lingo na ako na pabalik-balik ng school..para lang makita yung pangalan ko sa sectioning..at hanggang ngayon wala pa rin ako...

enweiz, enough of that nonsense...

aun, six months na kami ni pa.. Ang saya saya ko. As in super saya ko. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain yung feeling na nararamdaman ko. Basta, ang alam ko masaya ako. Grabe, nakaka kalahati na kami ni pa..& another 6 months..1 year na kami ni pa. Sana talaga umabot kami dun..at hindi lang basta isang taon kundi maraming marami pang taon...HAy!!! ang saya lang talaga.. ang masasabi ko lang talaga is masaya ako..Ang kulet ko na ba??/ eh bakit ba, un talaga yung nararamdamn ko eh...

Alam ko madalas kaming nagkakaron ng tampuhan ni pa.. at dahil yun sa katigasan ng ulo ko..pero, naaayos naman namin yun kagad dahil pinaguusapan namin kung ano yung problema at tinatanggap namin kung ano yung mali ng isa't isa. Natutuwa nga ako kasi, paunti-unti nasasabi ko na kay pa yung mga nararamdaman ko.. pero, kaylangan ko pa ng maraming effort para maparamdam yung love ko sa kanya.. meron nga akong naiisip na gawin ngayon.. sana lang talaga magawa ko siya..alam ko kasi na kapag ginawa ko yun..mapapasaya ko talaga si pa..wala pa lang talaga akong idea kung saan, kelan at paano..hehe..uy,curious ka kung ano un no??


sa ngayon ayoko munang magisip ng mga hindi magandang scenario sa relationship namin ni pa.. lately kasi lagi akong nakakapagisip ng mga hindi magagandang bagay...puro na lang ako "what if??!!".."what if ganito".."what if ganyan".. sa ngayon, gusto ko lang i-enjoy ang bawat araw na kasama ko si pa.. yung bawat araw na alam kong nanjan pa siya...hindi man literal na lagi kaming magkasama.. pero, alam ko pa rin na nanjan lang siya parati.. aaminin ko na medyo may konting takot ako na nararamdaman lalo pa ngayon na malabo talaga na maging classmates kami.. malamang less talks, less na yung time na magkita kami o magkasama or worst hindi talaga kami magkita diba..lalo pa't busy talaga ang buhay 3rd year ng nursing....parang yung ngyari sa amin nitong summer class...pero masaya na rin ako, kasi nabigyan pa ako ng chance na sa feu mag-aral..alam ko kasi na mas mahirap kung magkaiba pa kami ng school diba..alam ko naman na kakayanin namin to ni pa.. gaya nga ng sabi ni pa "kaya natin to, tayo pa magaling tayo eh.."..

as of now...nagppray lang ako,kami ni pa na..i-guide and i-bless kami palagi ni God..db?

Godbless me & my pa..

I love you so much pa..

Mwah..mwah..mwah..:D

Wednesday, May 24, 2006

hmmpness...

naiinis ako...
as in naiinis ako sa eskwelahan ko..

tama ba naman kasi yung mga pinag gagawa nila sa mga estudyante nila...bwisit talaga...waahh....ilang araw na akong pabalik-balik ng school pero wala pa rin yung pangalan ko dun sa list. Hindi ko maintindihan kung anong klase bang proseso ang ipinapatupad nila. Sobrang inis talaga ako. Parang gusto ko na silang pasabugin.. joke lang un..hehe...napapagod na kasi ng kakahintay para lang makita ko yung section ko. Tapos, akalain mo ba namang kami pa ang sisihin sa mga nangyayari. at balak pa nila na ilagay na lang yung mga pangalan namin kung san mang location may slot pa...

hay basta, inis talaga..*hmmp*

Monday, May 22, 2006

it's over

Yes! Summer class is over and I’m glad that it’s really over. It ended last May 17. I already got my grades, and sad to say I wasn’t able to maintain my grade in one of my subjects. I’ve got 2.50 on NCM101, and our maintaining grade is 2.25. Ok, it’s like this. I’m a probationary student, and as a probationary student you are required to maintain a grade of 2.25 in all of your subjects for summer and 1st semester of 3rd year. How terrible is that? And if you fail to maintain your grade you cannot go on to the next level. *sigh!*

Fortunately, our school has given us a chance para makatuloy ng 3rd year. *whew!* Ayan, akala ko talaga hindi na ako makakatuloy ng 3rd year. Before pa kasi I-release yung grades kanina alam ko na yung grdes ko. Pinakuha ko kay pa sa text. And ayun nga, sobrang nalungkot ako. Tipong lahat na ng hindi magandang pakiramdam na maramdaman naramdaman ko na. Hindi ko inexpect na ganun kahirap yun. Kasi sinabi ko na rin naman sa sarili ko dati na dapat maging ready ako sa mga mangyayari. Pero, kahit pala anu mang ready mo, hindi talaga siya ganun kadali. Parang na-feel ko tuloy yung mga na-feel ng mga classmates ko dati na natanggal na. Lagi ko kasi sinasabi sa kanila na okey lang yun, na marami pa naman pwede mangyari eh. Tapos nung ganun na nga yung nangyari sa akin, narealize ko na iba pa rin talaga kapag ikaw na yung nasa mismong sitwasyon. Kahit ayaw mong malungkot, malulungkot ka. Kahit ayaw mong isipin, maiisip mo pa rin. At kahit ayaw mong umiyak, iiyak ka pa rin. At talaga namang katakot takot na luha ang nailuha ko nung gabi na nalaman ko yun hanggang sa pag gising ko nung umaga iyak pa rin ako. Tas nalungkot talaga ako kasi naisip ko si pa, naisip ko yung kami. If ever nga na malilipat ako, parang sobrang hirap talaga nun sa part naming dalawa. Eh nasa isang school na nga lang kami, bihira pa kami magkita what more kung magkaiba na kami ng school. Laki nga ng pasasalamat ko kay pa, kasi hindi niya ako iniwan. Lahat na ata ng positive words at positive na bagay na pwedeng mangyari eh sinabi niya. I’m just glad na nanjan siya. Tapos, naisip ko din si mama & papa ko. Paano ko sasabihin sa kanila, syempre nakakahiya yun sa kanila. HAY!!

Tapos kanina nga, nagkaron ng assembly lahat ng probationary student. Tapos binago ata nila yung system. GWA na lang yung ginawa nilang basis. Siguro natakot sila na kapag yung lumang policy yung ipapatupad nila konti na lang yung students na mageenroll. Hehe… marami din kasi talaga yung hindi nakapag maintain ng grade. Hay!! Basta, thankful pa rin ako kasi nbigyan ako ng another chance. Maraming salamat lang sa lahat ng tao na nagbigay ng support nila sa akin. Sa pagsuport sa akin. Sa mga bestfriends kong sina melody, joey & rhon…pti na rin si khaye salamat kasi pinasaya mo ako nung gabing sobrang lungkot ko, lalo na yung nalaglag ka sa upuan..Hahaha…kay pa, thank you dahil nanjan ka… hindi ka sumusuko kahit ako na mismo yung sumusuko sa sarili ko..at syempre kay Almighty God, a million thanks talaga…sa lahat ng blessings at sa lahat ng maganda at hindi magandang nagyayari..thank you kasi marami akong natutunan…hay!!! God is good all the time!!!!! All the time God is good!!! :D

I love you pa!!

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are