pag-uwi ko nung friday night dito sa bahay super pagod ako. paguwi ko kasi ng mga 1pm dito sa bahay galing ng cavite, nagayos kagad ako kasi my tour naman yung group namin sa philippine orthopedic center ng 2pm. kamusta naman yun, 1pm na nsa bahay pa ako considering na sa malabon pa ako mangagaling. hay! kaya aun nga paguwi ko dito sa bahay super pagod na. pagpasok ko na bahay namin si mama kagad yung nadatnan ko sa pinto. yun ung una ulit naming pagkikita simula nung umalis ako ng thursday morning for our community immersion. kiniss ko kagad at sinabing, "ma, embrace mo ko. sobrang pagod na ako e." at sagot naman niya, "kawawa naman ang anak ko." then inembrace na niya ako. and napakasaya lang nung moment na iyon. yun kasi yung pinakamahigpit na yakap na ginawa namin sa isa't isa. ang saya, na tipong nag slow mo lahat. hahaha. mahal na mahal ko talaga yung mama ko na yan. alam ko madalas ko siyang inaaway. pero it doesn't mean na hindi ko siya mahal at hindi siya mahalaga sa akin. & correction, hindi ko siya inaaway. normal na talaga sa aming dalawa yun. hahaha. naisip ko nga kung kelan ko kaya magagawa yung ganun kay papa. gustong gusto ko kasing ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. at kugn gaano ako kasabik sa yakap ng isang tatay. hindi ko na kasi maalala kung kelan yung huling beses na niyakap niya ako. (nakakaiyak naman). sobrang sabik talaga ako na mayakap siya. mataba din kasi yun si papa, kaya sarap i-hug. ahaha.
napakasarap lang sa pakiramdam kapag hinuhug ka ng isang tao. ewan ko ba kung anung magic meron ang hug. na para bang kapag yakap ka ng isang tao, gumagaan yung pakiramdam mo. kaya nga gustong gusto ko na inembrace ako ni pa e. pag embrace niya kasi ako feeling ko walang masamang pwedeng mangyari sa akin. i feel so secure. hay! so happy. kaya guys, i-hug niyo na lahat ng taong mahl niyo at pinapahalagahan niyo. share your hug to everyone.
ONE BIG HUG!!!!!! *mmmmmmmmmmm*
godbless. i love you pa. xoxo. 
