Friday, April 21, 2006

daan lang

ayan..post ulet...wala lang nag-iinternet na lang din nman ako...y not make a post,dba?? aun...d2 aq comp. shop malapit sa amin....napa-computer ako ng wala sa oras...kaylangan ko kasi i-email sa mga kgrupo ko ung output nmin ng NCP..kya lang nagkaron ng prob. ung file..akala ko nman dhil lang sa comp. nmin, so eto nag rent pa aq ng comp....pero ganun pa din talaga yung lumalabas...waahh..dko lm kung ano ggwin ko...as in sobrang nppresured ako...waaahhh..ayoko na.....

Thursday, April 20, 2006

five months

woohooo!!! five months na kami ni pa...wahahahaha!!! five months na din ako gumagawa ng ganitong post. Thank God! sobrang sarap sa feeling na going stronger yung relationship namin ni pa. Sana talaga FOREVER na ito...sana talaga!!! Hay!!

Actually, wala talaga akong balak mag-post dito sa blog ko ngayon. Para kasi sa akin walang magandang nangyayari sa buhay ko ngayon lalo na sa school. Oo, sa school!! Nagstart na yung summer class namin, at hindi ako masaya sa nangyayari sa buhay ko. Hindi talaga!! Ang hirap-hirap lang kasi nung ganitong set-up. Set-up ng maraming bagay sa buhay ko ngayon. Una, yung sa section ko. Hindi ko kinakaya yung ganito na wala akong kakilala o kasama sa room. Lagpas 1 week ng nagstart yung summer class ko, at ilang araw na rin akong pumapasok pero wala pa rin akong friends. Kawawa naman ako, diba?? Alam mo yun? Naranasan mo na ba yung pagpasok mo sa room, hindi mo alam kung san ka uupo kasi parang lahat noong upuan na uupuan mo hindi pwede, kasi may nakaupo na or nakareserve na siya. Bigla ka na lang pupunta sa CR dahil sa sobrang sama ng loob mo at iiyak ka magisa. waahhh...naranasan ko na yun...Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Iniisip ko nga kung ayaw lang ba talaga sa akin ng mga classmates ko o kung ako lang talaga yung hindi marunong makisama. Eh, ang bait-bait ko naman. Yung needs ko ko for belongingness hindi ko talaga ma-acquire..waaahhh.. Pangalawa, sa grades ko. Gaya nga ng sabi ko kanina lagpas 1 week na nagstart yung class ko at marami na rin kami nadi2scuss sa iba't iba naming subject at may mga quiz na din kami. Sobrang hindi ako natutuwa sa mga results ng quiz ko. Basta, hindi talaga siya maganda. Tas dahil nga sa wala akong friend sa room namin, sobrang tinatamad akong pumasok sa school. Nag-absent nga ako nung isang araw dahil sa ayaw kong makita yung mga classmates ko. Idagdag mo pa yung 2.25 na grade na kaylangan kong i-maintain..Hay! Pangatlo, sobrang miss ko na yung friends ko. Minsan nga nagtatakot na ako kasi baka mamAya bumalik na naman ako sa dati. Yung tipong hindi talaga nakikipag-usap or hindi talaga nagkkwento. Ayoko ng bumalik sa ganoon, gusto na yung ganito ako na nasasabi ko na masaya o malungkot ako. Feeling ko kasi, unti-unti na naman akong nagkakaron ng sarili kong mundo. Hay!! At ang pinakahuli, sobrang hirap ng set-up namin ni pa ngayon. As in! nakakapanibago... Nasanay na kasi ako na kasama ko siya sa takbo ng buhay ko sa school..Kasabay sa maraming bagay..Hay!! sobrang nami2ss ko si pa. Tapos ngayon, bihira na lang kami magkita or mag-usap...Hay!!

Hindi ko alam kung magkakasurvive ba ako...Ang hirap lang talaga nung ganito. Ang bigat sa pakiramdam. Ang panget lang kasi noong nagiging daily routine ko...Biruin mo yun..Gigising ka na umiiyak ka...pag nasa school naman umiiyak ka din...hanggang sa pagtulog mo umiiyak ka pa din....waaahhhhh... ang hirap nun noh!! breakfast, lunch at dinner mo umiiyak ka....Hay!!! ayoko na talaga.....

I just miss my pa so much...
I love you pa..
mwah...

Godbless Us!!!

Monday, April 10, 2006

this is it

eto na...eto na yung araw na ayaw kong dumating. may pasok na kami bukas. first day of school for summer. iba't ibang emotions yung nararamdaman ko ngayon. medyo excited ng konti.. curious sa mga mangyayari.. malungkot dahil hindi ko na kasama mga clasmate & friends ko dati.. pati si pa hindi ko na din clasmate.. at sobrang kinakabahan.. siguro, sa lahat ng sinabi ko yung kinakabahan yung pinaka nangingibabaw sa lahat. hindi ko lang talaga kasi alam kung ano yung iisipin ko eh. ang dami dami kasi. alam mo yun, kaylangan mag-maintain ng grades.. kaylangan na naman makisama... malamang manginig na naman ako nito bukas. lalo pa na wala man lang ako clasmate sa mga dati kong kasama. i just hope that everything will be ok. maging ok mga bago kong classmate, maging ok mga professors na hahawak sa amin at higit sa lahat maging ok ako. wala lang sana akong gawin na hindi maganda. sinasabi ko nga sa sarili ko na dapat magkaroon ako ng self confidence, kaya lang ang hirap talaga. hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang self confidence na kaylangan ko. wala talaga akong idea..pagnaiisip ko ang mga mangyayari, gusto ko na namang umiyak...palagi na lang ganito...nakakainis...hay!!! got to go na nga...need to rest..para naman mukha akong fresh tomorrow..hehe.. praying and hoping for a better me...for a better rochele... sana may makilala akong mga new friends....hay...basta, kwento ko na lang mga mangyayari sa akin sa school bukas..goodluck sa akin

Godbless me!!!

i love you pa...

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are