Sunday, December 30, 2007

makes sense

stupid = insensitive

am i?

or it's the other way round. hmmm.

i love you pa. Godbless.

Tuesday, December 25, 2007

soo much blessings

Merry Christmas to all.

i hope you had fun celebrating your christmas with your love ones. at sana naging masaya ka din kasi birthday ni JESUS ngayon e. HAppy Birthday! Ilan taon na kaya Siya? hhmmmm. hahaha.

kakaiba yung christmas ko this year. kasi cnelebrate ko siya sa hospital. hehe. pero wait. kagabi kasi sa san juan kami nag noche buena. yaerly doon na talaga kami nagcclebrate. kasama ang mga pinsan at mga pamangkin. kaya lang hindi na siya ganun ka jampack unlike noong mga christmas celebrations namin noong ako'y 5-10 taong gulang pa lamang. haha. medyo tahimik na ngayon. karamihan kasi nung mga pinsan may kanya kanya na din family, kaya thay have their own celebration na din. kami na lang natitira, yung batch namin ni kuya. haha. narealized ko nga lang bigla na next christmas obligado na ako na magregalo sa mga pamangkin at inaanak ko. shox! syempre graduate na e. & dapat nagwwork na. nyahahay. whew! nakakapressure na. haha. enwiez, ang weird nung mga regalo na natangap ko. naisip ko tuloy, uso na pala ipang regalo ngayon ang pagkain. hahahaha. puro kasi food yung nariciv ko. chips ahoy na chunky,ung malaki. tapos 2 pringles. isang cudbury na caramelo. at kung anu-ano pa. puro sweets lahat. pakiramdam ko nga magkaka-tonsillitis na ako nito e. hindi ko din kasi matantanan yung pagkain. sarap sarap. haha. sad to say nga lang, wala pa akong naririciv na kahit ano from my wishlist. hay! yaan mo na, masaya naman ako e. dami ko pagkain. haha. greedy?? hindi naman masyado. inenjoy ko lang yung mga regalo sa akin. hehe.

kaya ako nagcelebrate ng christmas sa hospital, kasi may schedule kami nag DR completion ngayon. kailangan na kasi macompleto ang mga cases before mag-end yung january. kaya eto nag-rush tuloy kami na pati christmas day pinatos na namin. masaya naman yung experience e. ako yung unang handle kanina. kakaawa si mommy. hirap kais siya maglabor. ayaw lumabas nung baby. tapos super bata pa ni mommy, 16 y/o lang siya. tsk tsk. pero thank God naman kasi after 1 hour ng pag llabor nalabas niya yung baby niya. its a boy. yipee. ka-birhday niya si JESUS. haha. isa pa ulet na yipee. kasi na-experinced ko na ding mag-cut ng cord for the first time. pero ang pinaka gusto ko talagang ma-experince e yung first baby catch ko. sana naman bago ako maging RN maranasan ko yun diba.

super kakatuwa yung pinoy big brother kanina. paano naman napaka choosy ni kuya. tinupad niya lahat ng wish ng mga housemates. as in literally speking. super bait niya. hahaha. binigyan niya ng sony bravia plasma tv si gabby, tapos laptop kay will and jon. basta, puro gadgets talaga. gusto ko na tuloy maging housemate sa bahay ni kuya. hahaha.

ang saya nung mga nangyari today. as in. kahit medyo nakakapagod. up to the least minute hindi nauubos yung blessing. nakausap ko kasi ulet sa phone si papa. and i just love our conversation. sana araw araw ganun. hehe.

merry christmas to all. give ko, asan na? hahaha.

i love you pa. Godbless.

Monday, December 24, 2007

the golden boy

HAPPY 5Oth BIRTHDAY PAPA!

december 22, 2007. waahh!! ang tanda mo na pa. pero alam ko gwapo ka pa din. and you still look young. syempre naman, ikaw yata ang kamukha ko. at kahit sabihin pa nilang si mama ang kamukha ko. ipagdidiinan ko pa din na ikaw. ikaw. ikaw. at ikaw lang ang kamukha ko. carbon copy mo kaya ako. hahahaha.

miss na kita papa. sobrang miss na kita. hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam e. basta, alam ko sobrang miss na kita. nung nakausap kita sa phone nung saturday, pinatawa mo na naman ako. ang saya ko noon. nakakamiss yung mga moments na ganoon. ang dami ngang memories na nagflash back e. mga panahon na pakiramdam ko prinsesa ako. mga times na nagagalit ka sa akin kasi tamad ako, pero sa huli ikaw din naman gagawa lahat ng dapat kong gawin. kahit galit ka na sa akin, hindi mo ko pinalo. gustong gusto ko kapag binubuhat mo ko kapag nakakatulog ako sa salas. kung pano mo ko bantayan sa telepono kapag may kausap akong lalaki. kung paano ka maging sticto, pero sa huli pagbibigyan mo pa din ako. kung paano mo sinusubukang ibigay lahat ng gusto ko. kapag hawak mo yung kamay ko tuwing mamamasyal tayo. kung gaano ka-secure yung pakiramdam ko kapag andito ka lang sa bahay. mga pagluto mo ng paborito kong ulam. pag-aalaga kapag may sakit ako. lahat yon namimiss ko. lahat yun hinahanap hanap ko pa din.

minsan naisip ko, namimiss mo din kaya ako. hindi mo naman kasi sinasabi e. ganoon naman kasi tayo. hindi tayo showy. pero romantic tayo. haha. mana ako sayo e. karamihan ng ugali na meron ako namana ko sayo. except nga lang yung pagiging matalino. hahaha. hay! ang dami ng taon yung lumipas. naisip ko lang minsan, paano kaya kung nandito ka. siguro mas masaya. sana nga andtio ka na lang e. para naransan ko naman na ihatid mo ako sa school. makita mo ko kapag pagod na pagod ako galing duty. sayang hindi mo man lang ako nakita noong mga panahong na-in love naulet ako. ang dami ng moments na lumipas, na nawala, na hindi mo nakita. sayang lang talaga. mapupunuan pa kaya yun. ang hirap na kasi ng sitwasyon. ang dami ng nabago. sana lang pag andito ka na ulet. mapunan lang yung mga panahon na nawala. nakakapanghinayang lang kasi e. i love you papa. happy birthday.

i love you pa. Godbless.

Thursday, December 20, 2007

loving each other to the next level.

a.k.a my two and one month post. hahaha. kengkoy yung title.

ganyan ko kasi dnidiscribe ang relasyon na meron ako ngayon sa boyfriend ko. ang napakagwapo at mahal na mahal kong si JERMER PINEDA CRUZ. hahaha. nakakatuwa lang. totoo naman kasi e. next level na talaga ang lahat ng nangyayari at mga mangyayari pa. whoops!! hahaha. sdobrang masaya lang at blessed. marami pa ding blessings. at parati pa ding ginuguide ni GOD. so thankful to him. si pa ang sign kung gaano ako kamahal ni God. at siya ang kumulumpleto na lahat ng kulang sa buhay ko. thak you pa. i love you so much.

HAPPY 25th MONTH ANNIVERSARY. yikee!!

i love you pa. Godbless us.

christmas break na diba?

WAAAAAHHHHHHHH!!!!

e bakit parang hindi pa din?

bakit parang ang toxic ko pa din?

oo ramdam ko ng pasko na.

sobrang ramdam ko na nga e. at ang saya saya ko maisip ko pa lang yung idea na pasko na.

pero badtrip, daming humahadlang sa kaligayahan ko.

EPAL KAYONG LAHAT!!!!!

pakshyet na yan.

tigilan nio na kasi kakaisip ng mga gagawin.

paramdam nio naman sa kin na bakasyon na.

pwede ba yun?

huhuhuhu.

4 days na lang pasko na.

pero ang dami pa din ginagawa.

ni hindi ko man ma browse yung mga updates dito sa multiply ko.

panira kayo ng social life ko...

at ng tanging kaligayahan ko....

....ang pag bBLOG.

alam niyo bang dahil hindi ako nakakapagblog, nakalimutan ko na yung mga nangyari na gusto kong ilagay dito.

buwisit talaga.

WAAAAHHHHHHH!!!!!!! Kengkoy!!

i love you pa. Godbless.

Saturday, December 08, 2007

bulok na koneksyon

"hay! kelan kaya darating yung oras na sa isang pindot ko lang makukuha ko na at makikita ang gusto ko???? asa ka boi!!!!!"

gusto ko lang namang i-upload yung mga pictures namin sa huling linggo namin sa cavite (IBA). kakalungkot dahil hindi ko yun magagawa dahil sa bulok naming koneksyon. *buntong hininga*

i love you pa. Godbless.

simoy ng pasko.

una sa lahat. HAPPY Immaculate Conception Feast Day sa ating lahat. ang daming tao kanina sa labas. super dami nakiki fiesta. haha. yup yup. fiesta din ng immaculate dito sa amin. and first time ko nakita kanina kung gaano siya kasaya. naisip ko tuloy, "pasko na ba?" dami kasing paninda sa labas. ang sarap nung mga kalamay, suman at kasoy. yum! tapos daming tiange. daming nagmamass. basta, jump packed yung daan kanina. kakatuwa yung mga tao. sarap picturan. makulay at maingay yung kalsada. ang lamig pa. haha. sa pagkakaalam ko, 3 days cncelebrate yung fiesta dito sa amin. so hanggang monday pa jump packed ang daan. alam ko sa monday yung luglog festival e. yung may mahabang parada ng pancit malabon. sarap2. simula nung lumipat kami d2 sa malabon, never pa ako nagkaron ng chance ma witness yung lulugan festival. lagi kasi akong may pasok sa school nun e. kya aun. sabi nila masaya daw un. malamang, madami pancit malabon e. haha.

noong pauwi na ako kanina. ay nakasalubong akong mga bata na nag ccaroling. kakatuwa sila tignan. ang saya saya kasi nila. at talaga nga namang makikita mo na ang pasko ay para sa mga bata.... at isip bata tulad ko. hahaha. ang saya saya naman kapag pasko.

i love you pa. Godbless.

Friday, December 07, 2007

18 days before christmas.

yikes!!! malapit na christmas. lamig lamig na nga e. kaya mas masarap na matulog ngayon. hahaha. at dahil nga magpapasko na at nabanggit ko sa "i enjoyed it" post q na sana may camera ako. naisipan kong gumawa ng christmas wishlist ko. hahaha.

  • digital camera - ang sarap sarap kaya mag picture taking. ngumiti ng ngumiti at mag mukhang tanga sa harap ng camera. haha.
  • a brand new cellphone - gusto ko ng magpalit ng phone. matagal na. sobrang matagal na talaga. apat na taon ko ng phone yung phone ko ngayon. infairness naman sa kanya, hindi niya ako iniiwan. medyo pumapalya nga lang minsan. kaya lang lately, parang siya na rin yung nagsasabi na palitan ko na siya. hahaha.
  • go nut donuts planner - si pa ang nag impluwensya sa akin nito. nung una kasi okay na sa akin yung planner na nakita ko sa national bookstore, yung sterling yung tatak. ewan ko din ba kung bakit nagustuhan ko yung sa go nuts. hehe.
  • chuck taylor shoes - i just love it. at wala akong pera pambili. gusto ko yung pink or di kaya mint green. hahahaha.
  • a dress? - wahahaha. pa girl na kasi ako ngayon. hahaha. asa ka che? jologs ka e. hehe.
  • jacket - lamig kasi e. ^_^
  • mickey mouse shirt - favorite cartoon character ko si mickey mouse. pero ni isang item yata na mickey mouse wala ako. hahaha.
  • a box of chocolates - mahilig lang talaga ako sa tsokolate. yum! yum!

wala na ako maisip, kaya yan na lang muna for now. kapag meron pa, idadagdag ko na lang. kung mapapansin niyo karamihan nung nasa wishlist ko this year, parehas lang din nung nasa last year ko. sa tingin miyo bakit kaya parehas lang? hmmm. understandable naman siguro yun diba. hahaha. paano kaya ako magkakapera. dami kaylangan regaluhan e. huhuhu. i checked my wallet. wala na laman. sana pwede ko siya picturan para mapakita ko sa inyo kung gaano siya kasimot. wawa ako. siguro isang bagay pa na laging magpapaalala sa akin ng copar ay yung panahon na nilimas niya ang laman ng wallet ko. badtrip. hahaha. okay lang. masaya pa din ako. bigyan ko na lang ng masarap kong kiss ang mga yung mga taong mahal ko kapag hindi ko sila naregaluhan. hahahahaha.

just hope and pray that everyone will be happy this coming christmas. sana mapsaya ko mga tao sa paligid ko. sana marami pang tao yung bumait. at sana mas maging malamig pa. hehehe. let's give and share love. hug & kiss the people you love.

i love you pa. Godbless.

i enjoyed it so much.

Community Organizing Participatory Action Research is now over. Wahahahaha. ang saya! ang bilis. still can't believe na tapos na siya. haha. as i am always saying in my lfd, this copar has really been a crazy experience for me. sobrang daming personality development. and nakita ko na naman ulet through this experience na God truly loves me. i've always been asking for this. and God had answered my prayers through this copar journey. haha. natutunan kong mahalin yung copar kc nakita ko kung paano nito binago si che. si che na hindi man lang marunong makipagusap sa ibang tao dati. si che na hindi man lang kayang magsalita sa harap ng maraming tao. at si che na walang katiwatiwala sa sarili niya. kung iisipin mong ipocrito ako, hindi kita masisisi. basta ako, masaya ako. at hinding hindi ko makakalimutan ang experinced na to, pati ang mga tao na nakibahagi sa paglalakbay ko na ito.

PICTURE PICTURE muna


Boys will be boys. (paolo, jake, kim, ozi.)
Girls just wanna have fun. (wid yale, from the geria com.)
it's socialization time. guys from the other grup. (thonyo, movi, ian, coleen & dharyl)
Kain na po tayo. ang Takaw q. ^_^ (justine, tere, hana, cielo, lori, ako & chantlle.)
woohoo! one of the best committee ang HEALTH CARE PROVIDER. Yehay! ang ganda at ang ggwapo nming lhat. (wid our ci, mam catanghal)
ayan lang muna for now. hopefully i-upload na ng mga groupmates ko yung mga pictures na nasa kanila. hay. how i wish may camera na din ako . i love picture taking e. huhuhu. tgal kc nila mg upload ng photos e. minsan nga hindi na. hehe, oh well, if ever makakuha ako ng pics sa knila. i-post q d2.
sana masiyahan ka din sa magiging copar experience mo.
i love you pa.
Godbless.

Monday, November 26, 2007

happily ever after

ano na ba ang nangyayari? hahahaha. hindi ko na din alam e. nawawala na aq sa sibilisasyon. sobrang dami ginagawa. minsan napapatanga na lang aq sa mga pinaguusapan ng mga tao dahil hindi ko na talaga alam yung nangyayari. as i've said dun sa post q na, "the game is on." start na nga ng copar namin. and that's for one month. 4 days a week, for one whole month. super dami ng gingawa pero masaya naman e. gaya nga ng sabi q, this experience made me discover a lot of new things with in me. hahaha. kengkoy ka che! pro totoo talaga. masaya ang Copar, except the fact the magastos lang talaga siya. yun lang yung nakakainis na part. pero all in all na-eenjoy ko ang Copar namin. with the help na rin ng clinical instructor namin, si mam catanghal. she's really a big help. napaka inspiring niya. and napaka galing mag motivate. hahaha. plus the fact na kasama ko ang buong grupo, "sentai katorse." nakakatuwa na makilala sila ng mas mabuti. masaya na makabonding yung mga tao na hindi q naman madalas makausap o makapalitan ng opinion sa mga bagay bagay. ang galing galing lang talaga. woohoo!!!

ano meron sa title?? hahha. ewan q din. trip lang. nakuha q sa movie na, "the ENCHANTED." seriously, kaya yan yung title q, dahil nag 2nd year anniversary na kami ni pa. hahaha. kaya aun. happily ever after. epal!

thankful lang aq, kasi we're given the chance na makapag celebrate ng anniversary namin kahit na sobrang tight ng schedule namin. i am so happy. and so blessed with my relationship right now. what i wish is that God may always guide us, me and pa. my resolution for our realtionship this year is that, i would stop being paranoid and be more sensitive with pa's feelings. sensitive in a sense that i should also consider the things that pa is doing for our relationship. hindi puro na lang yung paghihirap at pagtitiis ko yung uunahin ko. in short, selfishness q ay dapat ng mawala. ehehe. i pray na magawa q siya, para hindi q nasasaktan si pa, pati yung sarili q. i love him so much.

gtg na, Copar na ulet bukas. magiimpake pa aq e. hahha. lalayas na naman aq. huhuhu.

i love you pa. Godbless.

Saturday, November 24, 2007

more than what i wished for.

never imagined that God would give me what i have now. and what amazed me more is the fact that He is giving me more than what i asked for. sa lahat ng aspeto ng buhay ko, hindi Siya pumapalya sa pagbibigay ng mga bagong pagsubok sa akin. mga pagsubok na akala q sa una hindi ko kakayanin. masaya aq. masaya kasi maraming nadagdag sa pagkatao q. masaya kasi nagmamahal at minamahal aq. may mga aspeto siguro na sablay, pero ganun daw tlga yun e. para balanse lang ang lahat. hindi pwedeng nasayo ang lahat. kung ano aq ngayon at kung ano yung meron aq at kung sino ang kasama ko, isa lang ang masasabi ko, kuntento ako.

i love you pa. Godbless.

Monday, November 19, 2007

feelings of happiness, contentment. . .

im happy. free. contented. overwhelmed. leader. excited. anxious. crazy. sleepy. exhausted. blessed. super. great. frustrated. homesick. in love. real. good. kind. happy hearts. happy minds. fun. enjoy. making the most out of everything. thankful. blissful.

so many emotions. hindi q alam kung anu ang uunahing ipaliwanag. haha. over all, im happy. marami ng nangyayari and hindi pa q nakakagawa ng post na matino. hehe. sa sunod na lang. 3rd week na namin bukas ng community immersion sa cavite. and at the same time 2nd year anniversary na namin ni pa. yipee!! so excited. it feels great to have someone whom you can share your happiness with. Thanking God for giving us these two years. and praying for more years to come. happy. happy. happy. im so happy, oh so happy......

i love you pa. Godbless.

Sunday, November 04, 2007

The game is on

Woohoo!! are you feeling the pressure? Shocks! Last semester na ito for our batch. Mixed emotions yung nararamdaman ko. Pero hanggat maaari ayokong mangibabaw yung kaba sa akin. Mawawala kasi sa focus e. Excited ako sa mga experiences na pwedeng ma-experience. hehe! As of now, sinasabi ko na sa sarili ko na mahirap na talaga yung mga pagdadaanan namin. As most of my relatives would say, "che, lahat na ng hardships mapagdadaanan mo na ngayon as a graduating student." And i think tama naman talaga sila e. Pro kaya namin ito, sanay na kami sa lahat ng hirap. hahaha. Basta ang motto ko nagyon, Go with the flow and stay ahead of the game, because this is going to be a tough fight. The game is really on. Our batch will going to bring it on. hahaha! Magaling kami laaht! malaki talaga yung paniniwala ko na kaya ng batch namin ito (3-5-80). We're smart kids and we put God in everything we do. Kaya alam ko kaya namin ito. With Gods grace and guidance we will succeed. Hay! Ang say ko. Ang sarap ng feeling ng graduating ka na. Woohoo! Start na ulit ng classes tomorrow. Sembreak is now over. And for our first week, start na ng CO Immersion (COPAR) ng cluster namin (cluster1). This is it. Lets do this guys!!

AHU!! AHU!! AHU!! =D

i love you pa. Godbless us all.

Sunday, October 28, 2007

never in my wildest dreams.

My trip to Zambales. woohoo. ang saya. mga bagay na nakapagpasaya sa apat na araw na pananatili sa zambales. mga bagay na unang beses ginawa. mga taong nakasama at naging bahagi ng masayang paglalakbay.
rochele at jermer. excited!!
Zambales, here we come. Sa victory liner terminal sa pasay. Bago sumakay ng bus, picture pucture muna kami. ciara, aq, apple, dan, at pa.
Sa san marcelino na kami. yehey! malapit na kami kina chester.
Nakaka amaze ung view. puro green.
Ayan, magstart na kami maglakad sa lahar.
inenjoy ang pagtahak sa lahar. woohoo. sarap sa paa. haha.


jan kami titira. nasa baba na kami niyan. ang taas no? hehe.
Good morning Sta. Fe
Magandang umaga. breakfast na. sarap ng tulog namin.
Sobrang masaya aq at
nakasama ko kayong lahat. salamat.
on da way sa ilog. ang init ah. ligong ligo na kami. malayo pa ba nag ilog ni chester? haha.
model? haha. ligong ligo na aq. hahaha. tatawid na ulit kami ng ilog.

sarap maligo sa ilog. maulit pa kaya to? sana

pa picture sa kalabaw na maputi. apple, vadz, at aq.
luksong baka muna habang hinihintay ang kuliglig. ang saya. sarap tumawa.
Uwi na kami niyan.
astig na bayanihan sa gitna ng lahar. woohoo. =D
huling sulyap. makakabalik pa kaya ako dito? hay!
tuwing iisipin ko ang mga araw na nanatili ako sa zambales. iniisip ko pa din kung totoo ba ang lahat. hindi ko inaasahan na magiging ganoon ako kasaya. hindi akalain na pwede pa lang mangyari ang lahat ng iyon. sobrang masaya. sobrang blessed. sobrang tuwang tuwa na parang bata. nag enjoy sa lahat na ginawa. lahat first time. kya super memorable. tnx sa grupo ni pa. nag enjoy aq kasama kayong lahat, sayang nga lang hindi completo. salamat ng marami kay chester. at salamat din kay pa. ang saya ko talaga. Bliss. ecstatic. thrilled.
i love you pa. Godbless.
click here for more pictures.

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are