Monday, February 26, 2007

one and three months

>i almost forgot to make a post for this one. hehe!<


to meine liebe. i just wanted to thank you for being so patient with me. paulit-ulit na lang yung ganitong issue. me not being open with you. i hope this would be the last time na magiging problema natin yun. sorry talaga pa. i'll try to be more open with you and to communicate with you as much as possible. medyo mahirap siya sa part ko, kaya humihingi ako ng mas mahaba pang pagpapasyencia mula sayo. sana wag kang magsawa. alam ko na marami pang trials na dadating. part talaga yun ng relationship, diba. i just hope and pray that we will get through those trials together. i know God is always guiding us. i love you so much pa. thanks for everything. andito lang ako lagi for you. mwah. Godbless us always. =D i love you! Happy 15th month anniversary. hehe.


::you need to have patience. Love can't always be perfect, love is just love. ~The Wedding Planner~ ^__^

Monday, February 19, 2007

learning over a cup of tea: a junior seniors night

institute of nursing student council had organized a party. a tea party for the juniors and seniors. its like a send off party for the seniors. its also like an acquiantance party, because we are given a chance to know our ate's and kuya's in the fourth level. kahit na medyo maiksi lang yung time na nilaan para dun. okay pa din. i met ate angeline, julie, jayzelle and kuya manny. yey.

dapat talaga hindi ako pupunta. feeling ko kasi hindi din ako mag-eenjoy, tas wala pa ako kasama magpunta dun. pero nagpunta pa din ako, kasi magpperform ung IN cheering squad. and feeling eto na ung last chance ko para mapanood ko si pa. pagdating ko dun as expected, wala talaga ako kasama. gusto ko na talaga umuwi nun. ang boring kasi. buti na lang sinamahan ako nicay, kaya lang umalis din xa kagad kasi may kanta pa ang INMM. magisa na nman ako. hanggang sa nakita ko si melotte. my savior! hahahaha. buti na nga lang at nakit ko siya. sumama na lang ako sa kanya. aun. nagstart na nga. at first medyo wala pa sa mood ung mga tao. parang lahat tinatamad. ang konti talaga kasi ng tao. hindi man lang nangalahati ung feu ground. *SIGH* ang boring talaga diba. isang rason siguro is masyado late na desseminate ung information bout sa tea party. kaya wala masyado nagpunta. & ung iba siguro tinatamad lang talaga. haha.

hindi ako nagsisi na pumunta ako. super naenjoy ko kasi siya eh. mas enjoy nga lang siguro kung kasama ko ang mga friends ko diba. aun. sobrang daming nangyari. kumanta ang INMM. meron silang sariling version ng back-back-back. GALING NI TATEL. nagperform ung IN cheering squad. ang galing nila. super. ANG GALING NI PA. haha. nagperform din ang INTAC. ang masasabi ko lang, WOW!!! ganda ng production nila. tas daming band na tumugtog, both from third and fourth level. syempre nandun ang IN band, ang D5LR. ang asteeg!! \m/ waaahhhhh. jam pack talaga. weeeeee. ang saya talaga.un lang masasabi.

thankful ako kasi na-experience ko ito. higit sa lahat, ang saya ko talaga. napanood ko kasi si pa. idol ko na si pa. ang galing galing niya. pa, from now on i'll be your number one fan. hahahaha. sana next year meron ulet. for sure meron yan. at dapat mas maganda siya. at mas jam pack. at higit sa lahat dapt kasama ako sa magpperform. hahahahahaha. di bale na nga lang.

oh another thing. hindi magiging masaya ang event na to kung hindi dahil sa mga bibo at nakakatawang host. si kuya teddy, kuya meg, kuya tony & kuya bry. ginawa nilang masaya at hindi boring ang event na ito. *applause!* at syempre hindi rin mangyayari ang tea party na ito kung hindi dahil kay ma'am tolentino. tnx ma'am! aun.

ciao
Godbless everyone.
i love you pa.
=D

>thank GOD, for making this event enjoyable and succesful.

btw, my kuya just got home from his 3 days trip to baguio. dami pasalubong. ang daming choco flakes, peanut brittle, strawberry. woah!!!! gluttony as you may call it. SARAP!!! ^_________^

gtg, feel sleepy.. ciao. nytie!

Friday, February 16, 2007

tamad!

im not in the mood for studying right now. a recitation in RIZAL & midterms examination tomorrow for ncm. a 16 unit subject. 100 items. MAJOR! MAJOR! MAJOR! major disaster. iam really not in the mood. damn!!! isn't it obvious im blogging instead of studying. *sigh*

i want to have a new hair cut. my hair really SUCKS!!!!! dry hair and split ends. i want something different, something new. i wanted it short but i cant because it will be hard for me to put it in a bun. hmmm????

went to the derma yesterday. the dermatologists told me that my face looks ok. >"ok na naman yung mukha mo e"< damn!! i dont agree with what she had said. ugly!!

what's wrong with me? STUDY!! STUDY!! STUDY!! hmmp.

ciao
i love you pa.
Godbless.
^__^

Thursday, February 15, 2007

Drive

c'mon let's drive

stickwitu

~everybody's breaking up, throwing their love away..

.. iknow i got a good thing right here that's what i say~

i'll stickwitu FOREVER!!

i love you pa.

Godbless.

=D

Wednesday, February 14, 2007

sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso. =D

Pinapaalala ng Araw ng mga Puso ang mga unang araw ng ating pagsasama.
Naalala ko pa kung ano ang naramdaman ko noong una kitang makilala.
Hindi ako makapaghintay na makilala ka, makausap at malaman ang lahat lahat tungkol sayo.

Parang kahapon lang ang una nating "date".
Naalala ko ang ngiti mo na nagpahulog ng loob ko sa iyo.
Lagi kong pinanabikang makita muli ang ngiti mong iyon.
Lagi kong naalala ang bagay-bagay na ating ginawa, mga lugar na ating pinuntahan.
Gustong gusto kong iniisip ang mga pagkakataong tayo lamang ang nakakaalam.

At sa pagdaan ng panahon.
Higit na nagkakaroon ng kahulugan ang mga regalong ibinigay natin sa isa't isa, ang mga litrato at mga "love letters".
Hindi ko mapigilang matawa tuwing naaalala ko ang ating unang tampuhan. naayos din natin ito at nagiging mas matatag at malapit pa tayo sa isa't isa.

Hindi talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko noong unang pagkakataon sinabi mong, "MAHAL KITA".
Isa iyon sa pinakamaligayang sandali sa buhay ko.

Simula noon binigyan mo ako ng maraming dahilan upang mahalin ka.



MAHAL KITA pa.
HAppy Valentines day!
^_^

hearts day

today is february 14. its valentines day. nakakatuwa. kasama ko ang grup 14 sa pagsalubong ng valentines day. may duty kasi kami. graveyard. aun. tas pag uwi namin kanina umaga. nagdecide kami (ozie, chantlle, lori, danna @ aq) na kumain muna ng lugaw. wala lang. aq nakaisip nun e. gusto ko lang. para mainit sa tiyan. kaya lang malas namin kasi sarado pa ung lugawan na favorite namin kainan. kaya naghanap na lang kami ng iba. dumaan muna kami ng church para mag-pray. tas hanap ng ibang pwedeng makainan. hanggang sa nakarating kami sa Goryo's pares haus. aun. swerte my lugaw. kaya lang yung lugaw nauwi sa tapsilog. hahaha. lahat kaSI kami nagdecide na mag rice na lang para pagkauwi namin deretso tulog na lang. aun. sarap nga e. first time ko lang nakakain dun kahit na super lapit lang niya sa bahay namin. hahaha.

nung papunta kami ng simbahan dami ko nakita na mag-boyfriends and girlfriends pati mag-asawa. napapangiti nga ako nung nakita ko sila. nakakatuwa kasi na makakita ng ganun. kitang kita mo yung love sa mga tao. sana araw-araw valentines. para araw-araw my chocolates at flowers din. JOKE lang. actually, hindi naman mahalaga yung gift e. para sa kin mas importante yung mapakita at maparamdam mo sa taong mahal mo na "mahal" mo sila. parang yung nakita kong mag-asawa na palabas ng simbahan kanina. siguro mga nsa early 50's na ung age ng couple na un. pero alam mo ba super sweet pa din nila. si tatay hawak-hawak niya yung kamay ni nanay tas kiniss pa niya. tas tumingin siya kay nanay sabay ngiti. diba ang SWWEEEEETTTT!! nun. kinilig nga ako. tas un. nasabi ko na lang bgla sa sarili ko na gusto ko ganun din kami ng magiging asawa ko. kahit na gaano na kami katanda. gusto ko hindi mawawala yung sweetness sa isat-isa. hay!! ang sarap talaga ng feeling pag nagmamahal ka. HEAVEN!!! hay.

na-miss ko bigla si pa. sana kasama ko siya ngayong oras na to. hahaha. hay! okay lang yan. konting oras na lang magkikita na kami ni pa. may date kasi kami mya e. excited na ko. yikeeee.

HAPPY VALENTINES DAY!!
lets give love to everyone.

sa lahat ng nagmamahal:
patuloy lang kayong magmahal. lagi kayo magpray. always remember that God is a strong foundation of love. always love, respect and trust your partner.

sa mga loveless:
wag kayo malungkot. wag niyo isipin na nagiisa lang kayo. dahil kahit ano pa sabihin at isipin niyo siguradong may nagmamahal sa inyo. di niyo pinapahalagahan.

sa lahat ng MAHAL ko sa buhay:
Happy valentines day. mahal ko kayo. lagi niyo yan tatandaan. =D


I love you pa.
mwah
GODBLESS.
^__^

>>kaylangan ko na matulog. may date pa ko mya. bka di ako magising. haha. ciao.

~fin~

sa wakas natapos na din yung duty namin sa PNPGH. hay! ibang rotation na kami ngayon. at ang masaya pa niyan. magkakasama na nman ang buong group 14. yey!!!!

i can't believe na nakasurvive ako sa duty namin sa PNP. sobrang toxic kasi talaga. pero in fairness sobrang dami kong natutunan sa duty na un. mga bagay na dadalhin ko hanggang sa maging isang ganap na nurse na ko. wooaaahh!! may ganun talga. hahaha. totoo yun. kahit super toxic dun, na-enjoy ko pa din yung duty namin. charting, meds, magbasa ng doctor's order, mag carry out ng order @ higit sa lahat gumawa ng nursing process overnyt. hahahaha. nakakapanibago na nga pag wala akong ginagawa sa duty, parang hinahanap ko na yung pagiging toxic. yabang!! tsaka isa pang kinatuwa ko sa duty namin sa PNP. nakakuha ako ng 2 cases. 1 handle at 1 cord care. kaya lang hindi pa din ganun ka fullfiling kasi observed lang ginawa ko. hindi ko talaga nahawakan yung baby with my hands. hmmp. pero okay lang yun. alam ko naman na dadarating din yung momnet ko para dun. and i must say na bless aq sa mga ka-grup q kasi tinutulungan nila ako w/ my cases. aq lang talaga kasi ung pinaka wala pang experinece sa aming lahat. huhuhuhuu. wawa naman ako. =D


here are some of our pictures. hehehe.

sarap ng yellow cab. after our last day of duty @ pnpgh

kim and jake w/ our ci and some staff nurse.

kami ni kim. ang cute. peace!!

ang unang subo. +bow+ yummy!!!

parang lumilipad lang ah. =D =D =D

magpost pa q ng iba naming pics sa sunod. ang hirap mag-upload d2 sa pc namin e. badtrip.

ciao.
i love you pa.
Godbless.
^_^

Friday, February 09, 2007

UGLY!

i feel uggggLLyyyyy
NO!!!
I AM ugly!!!
really, I AM ugly..

aarrrgghhhh

pimples.
pemple scars.
large pores.
blackheads.
whiteheads.
wrinkles.
eyebags.
dry hair.
& guess what?? i have this white spot on my right cheek. and its not just a small spot. its BIG, you know. aarrgghh!!!!!

ang arti ba? hndi ah!!! kelan ba kasi kayo mawawala? ang panget ko na e. tama na, PLEASE!! alam ko na panget talaga ako. pero wag niyo naman ako papangitin pa. waaaahhhh. bakit ako pa?? maalaga naman ako ah. huhuhuuhuuhuhu. i hate this..

i love you pa.
Godbless.
=)
masama bang mamiss kita ng ganito?
masama bang maramdaman ko ito?

hinahanap ka na ng puso ko.
hindi ko din alam kung bakit ganito.
kahit na nakikita kita at nakakasama,
bakit pakiramdam ko kulang pa din.

sana dumating yung araw na kung saan makakasama kita ng matagal. ang dami ko na rin kasing gustong ikuwento sayo. at gusto na ko din marinig ang mga nakakatawa at nakakainspire mong kuwento.

wag ka mag-alala. alam ko naman kasi na masyado lang talaga marami ginagawa ngayon. maraming kaylangan asikasuhin. hay! alam ko din naman na bibigyan din tayo ni God ng time na kung saan pwede tau magkasam ng matagal. pinappray ko lang na sana malapit na iyon. namimiss na talaga kita ng sobra.

i love you pa!
God bless.
[-_-]

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are