Thursday, June 15, 2006
Ang kapalaran ko sa araw na ito..
Hold on tight, it's going to be a very bumpy ride for a few days. Just ride it out.
Buckle up and get ready for a storm to hit -- there is a strong wave of confusion and resentment coming, and you might be right in its path. You won't be victimized by this angry energy, but your life will be affected a bit. Everyone's emotions are touchy right now, and you might lose your temper too -- but it's to be expected. Ride this wave of unpredictability for as long as it takes. You'll come out on the other side with a few lessons under your belt.
>>I Agree!!
Wednesday, June 14, 2006
ayoko ng ganito..
ayoko ng pakiramdam na nararamdaman ko ngayong mga oras na ito
hindi ako natutuwa sa ganitong pakiramdam.
ikaw ba?!
Naramdaman mo na ba yung feeling na sobrang miss mo yung isang tao?
Yung taong mahal mo..
Medyo matagal kayong hindi nagkita at nagkausap, at nung nagkaroon kayo ng oras para
magkita at magkausap hindi mo man lang maiparamdam at magawang ipakita na namimiss mo siya
hindi mo man lang maiparamdam yung saya na nararamdaman mo kasi at least nagkita na kayo
ulet, diba?? At nangyayari yung mga bagay na iyon nang dahil lang isang rule, isang
policy, isa sa mga students code of ethics na mabigat ang kaparusahan kapag nilabag mo.
At bilang isang estudyante na ayaw makalabag ng kahit anong batas ng paaralan mo susundin
mo ito kahit labag sa kalooban mo. Siguro nga pwede mo siyang gawin pero matatakot ka pa
rin kasi hindi mo naman alam kung yung mga bagay ba na ginagawa ninyo ay tama lang ba sa
paningin ng mga nakakataas at nasa posisyon. Hindi mo alam kung ano ba yung sobra na at
tama lang para sa kanila. Ang hirap - hirap, sobrang nahihirapan ako at alam ko rin na
nahihirapan siya. At sa mga susunod na araw alam ko rin na mas mahihirapan pa kami. Ayaw
ko na talaga, pakiramdam ko hindi na natatapos yung mga dumadating na pagsubok. Una,
nagkahiwalay kami ng clase. Tapos ngayon naman itong lintik na rule na ito. Ano pa ba?
Masakit lang talaga sa loob ko yung nangyari kanina, ni hindi ko man lang siya nayakap at
na-kiss bago siya umalis. Wala man lang akong nagawa. Alam ko nagtampo siya, ramdam kong
nalungkot siya at ramdam ko ring nasaktan siya dahil alam kong gusto niya na ginagawa ko
iyon sa kanya. Sorry talaga!! Maski ako nalungkot rin, dahil sobrang miss ko na talaga
siya, sinabi ko kasi sa sarili ko nung umaga pa lang na kapag nagkita kami yayakapin ko
talaga siya, kaya lang hindi ko nagawa, naghiwalay kami ng hindi ko man lang nagagawa yun
at dahil yun sa takot sa isang rule.. :c
I Love you pa!!
Mwah!!

Tuesday, June 13, 2006
First Day High!!
Wahoo!! First Semester, school year 2006-2007 is now signing on. Haha! June 05, 2006 nagstart na ang aming clase. Ayun, na late nga ako sa first day of school, kainis. Bukod kasi sa late na rin ako nakaalis sa bahay, hindi ko pa alam kung san ang room namin. Buti na lang tnxt ako ni cehz. Tsaka hindi ko naman inexpect na magkklase na pala nung araw na yun. Ang alam ko lang ay may orientation kami nung day na yun. Hay!! Ang bilis kamo ng mga pangyayari, pagupo ko pa lang sa room namin ang dami na kagad naganap. Nagpakilala lang yung prof. Namin na siya rin naming section coordinator namin after nun kami naman ang nagpakilala then mya mya election na of officers, at mya mya pa ulet groupings na for RLE..ang bilis talaga diba??!! Pero, medyo alam ko rin nman na ganoon ang mangyayari kasi nung summer class pa lang sinsabi na ng mga CI na humahandle sa amin na sobrang bilis nga daw talaga kapag nasa 3rd year na, marami na daw kasi yung concepts na dinidiscuss kaya kadalasan isa o dalawang araw lang tapos ng idiscuss ang isang concept. Ganun kabilis yun. Haha!! Tas bale ngayong first week ng clase namin ay nakalaan para sa isang subject lang, at yun ay NCM102. For one whole week NCM 102 lang ang pag-aaralan namin, Monday to Saturday 8:00-5:00. whew!! Sobrang hectic kagad dba?! Akalain mo first day pa lang ang dami na kagad naming na-discuss at dapat magqquiz na din kami nung araw na yun at unit exam na kinabukasan, eh buti na lang napakiusapan namin yung prof. Na kinabukasan na lang yung quiz buti na lang pumayag siya. Nakakatawa pa nga kasi hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag unit exam sa concept na yun at hindi rin namin alam kung kailan yun masschedule. Hay!! Bukas second week na ng clase at bukas start na rin ng regular sched namin. Makikilala na namin yung prof. Namin sa isang subject, sana lang talaga mabait yung prof. Na mapunta sa amin lalo na sa bio-chem. Sobrang hirap daw talaga nung subject na iyon eh. Sana magaling magturo yung prof., yung tipong maiintindihan ko, mahina kasi ako pumickup, tsaka sana considerate din siya. Hay!! Ngayon, excited ako sa mga susunod pang mangyayari sa buhay 3rd year ko, at syempre kinakabahan din ako. Alam ko kasi na marami talaga akong experiences na pagdadaanan. Mga experiences na maganda at hindi maganda. Hindi ko alam kung kakayani ko ba ang mga iyon, pero syempre haharapin ko kung anu man iyon, kasi maganda o hindi man maganda ang maging resulta alam ko na makakatulong pa rin yun sa magiging buhay ko, diba!?? I’m just praying na I-guide ako ni Lord at sana matutunan ko na ring harapin ang mga fears ko at sana mawala na rin yung pagiging mahiyain ko. Yun lang..
:D
:D
Subscribe to:
Posts (Atom)