it's 2:00 am in our clock..and i'm still awake. Lagot na naman ako nito kay Pa. i just feel like sharing what i feel.. 15 minutes ago, kakatapos ko lang kausapin yung bestfriend kong si joey. pinagusapan namin yung about sa friday. punta kasi kami ni melody sa house nila sa antipolo. sobrang tagal na rin kasi namin hindi nagkikita. gusto ko sana isama si pa & sinabi ko na din sa kanya na sumama siya. gusto ko na kasi na magkakilala sila ni joey, kaya lang hindi ko natanong kay joey kung okey lang ba.. para kasing nahiya ako itanong sa kanya..tpos parang narealize ko pa na, bakit kaylangan pang itanong, ako naman siguro sa sarili ko alam ko kung pwede/hindi o kung tama bang isama ko si pa sa bahay nila, diba? hay complicated!
siguro iniisip nio "Bakit naman complicated?". okey cge, brief introduction lang po. joey, is my bestfriend for almost 7 years. at almost 7 years na rin po niyang ipinagtatapat/inaalay yung pagibig niya sa akin, na almost 7 years ko na ring tinatanggihan. GETS?(ang sama ko no?) si "pa"/jermer naman po ay ang pinakamamahal kong boyfriend ngayon. So, siguro naman sa brief introduction na yan gets nio na kung bakit complicated. HAY!
well, honestly after namin magusap kanina...i really felt bad. para ngang gusto ko ng maiyak. Pero sa totoo lang, lagi namang ganun yung nararamdaman ko tuwing pagkatapos namin magusap. you'll definitely ask WHY? hay! bakit nga ba? Siguro kasi alam ko sa sarili ko na sobrang laki/dami ng kasalanan ko sa kanya. Actually, before naman hindi kami ganito. Basta, ang dami lang talagang nagiba. Hindi ko alam kung nagoover react lang ba ako sa mga nangyayari or msyado lang ako nagaasume na ganito...ganyan..blah..blah...Pero, iba talaga eh. tsaka kilala ko yung sarili ko, kapag naramdaman kong iba na...iba na talaga. at sure ako na marami na talagang nagbago between me and joey.
nagstart lang naman magbago ang lahat nang malaman ni joey yung tungkol sa amin ni Jermer. of course nasakatan siya and inamin niya yun sa akin. and sobrang naguilty talaga ako. as in! sabi ko nun sa sarili ko napaka"selfish" ko naman. pero wala ako magagawa eh..hindi ko naman pwedeng pilitin ko yung sarili ko na mahalin ang isang tao diba.(((pero muntikan ko na din siyang gawin))) OO, ilove him..as a friend..as a kuya...yung friend na kahit anung oras nanjan para sayo..pero more than that..wala na! tsaka napagusapan na namin yun eh. pinakinggan namin yung isa't isa. sabi niya okey lang daw sa kanya.. masaya raw siya for me. and akala ko magiging okey na yung lahat...yung tipong parang walang nangyari...pero mali ako.. kasi after nun...sobrang nagiba na yung lahat...
hindi ko alam kung ano yung gagawin ko para maging katulad kami ng dati. kasi sobrang nasaktan ko siya. kasalanan ko naman talaga eh.. siguro kung sinabi ko lang nang maaga sa kanya na hanggang dun lang talaga yun..hindi na magiging ganito..siguro ngayon okey lang yung lahat....it's all my fault... alam ko dadating din yung time na magiging okey ang lahat at babalik sa dati...matatanggap din niya kung anu man yung mga ngyari...pero siguro hanggat hindi pa dumadating yung time na yun... lagi ko pa ring sisihin yung sarili ko at may part pa rin ni "che" ang hindi masaya...hay!!! gusto ko nga sana na magkausap kami ulet..kaya nga lang...parang wla na akong lakas ng loob kausapin siya..hay..."selfish" kasi eh..inisip ko lang yung sarili ko...pero yung iba hindi!!!! tama na nga to...
got to go na...kyalangan ng matulog...mapapagalitan na nman ako ni pa pagnakita niya e2!
Sorry pa!
Love you!mwah!!
bye!
No comments:
Post a Comment