Wednesday, January 25, 2006

>>this one's for my heaven<<

well, i'm doing this post for my pa. I want to say something to him. Kanina kasi, sa bioethics class namin, may reporting ang group 2. Ewan ko ba, basta noong nagsasalita siya tinitigan ko lang siya. and habang nakatingin ako sa kanya, iba lang po yung naramdaman ko. Masaya lang ako na siya yung kasama ko ngayon..na-gegets nyo ba?((dialog yan ni pa lagi)) masaya lang ako na dumating siya sa buhay ko. Masaya lang ako na nanjan siya..((sana siya rin)) tsaka nung nakatingin ako sa kanya, narealize ko na sobrang swerte ko sa kanya...((sana siya rin sa akin..hehe)) narealize ko na wala na akong hahanapin pang iba.. alam mo yun everything in him is perfect.. hay...basta, i just can't explain the feeling.. sana lang walang magbago....hehe!!

sa bawat araw na lumilipas, lalo kong minamahal si pa..yung lahat sa kanya..yung maganda niyang ugali...at yung mga masasama niyang ugali na nakikita ko sa kanya....((talagang mas marami yung masama kaysa sa maganda noh?? Pa, peace tayo...)) Siguro nga si God na rin yung may gusto na dumating siya sa akin. at sana wag nang gustuhin ni God na mawala pa siya sa akin..hay, nagiging corny na naman ako. Pero ganoon lang siguro talaga yun pag inlove...nagiging corny talaga..hehe...AYSUS!!!!!

Enweiz, i just really want to say na.... Mahal na mahal ko si pa.
Pa, i love you so much.. sana wag kang magsawa sa mga ka-cornihan ko. wag kang magsawa sa pagiging boring ko. wag kang magsawa sa mga ka-artihan ko. wag kang magsawa sa katigasan ng ulo ko. at ang pinaka sa lahat, wag kang magsawa na mahalin ako. gusto ko sana sabihin sayo ito personally para mas sweet((sweet daw oh!!??)), kaya lang hindi ko kaya eh..i'm shy eh..hehe..and actually, marami pa akong mga bagay2 na gustong ikwento or sabihin or i-share sayo..kaya lang, ewan ko ba kung bakit hindi ko ginagawa...feeling ko kasi, minsan nonsense naman siya eh, so bakit kylangan ko pang sabihin dba..wala lang..pero minsan naman nagttry ako na magkwento kahit mdyo lang kwenta..hehe...ayun..
hay, ano pa ba??wala na po...gusto ko lang i-share sayo kung ano yung nararamdaman ko...basta, im just glad na nanjan ka...dito lang po ako lagi pag kylangan mo..
ingat ka po lagi..
bye for now...

I Love You Pa....
God Bless
:D

2 comments:

Jermer said...

i love you and i'll be here always for you..thats all i want you to know..
God bless you and us..
Take care always..

Jermer said...

hey ma..i dont want to post any blog to make it a reply for this one..i'm just gonna make a comment on this..which is actually which..

aaminin ko sau ma, nagtatampo ako sau..nagtatampo ako sau sa maraming paraan at dahilan..una, gusto ko maging open ka sa akin..para two way communication..ang gusto ko, marami akong nalalaman sau..kahit ano pa man yang bagay na yan, makikinig ako sau..pakikinggan kita..kahit sino pa ang kausap ko, basta't sinabi mo "pa, may sasabihin ako sau", ititigil ko agad yun para lang sau..kasi gusto ko, alam ko yung nararamdamam mo, kung ano yung tumatakbo sa isip mo, kung ano yung nasa puso at utak mo..gusto ko marinig mismo sa bibig mo yung mga sinusulat mo sa blog at kung san-saan pa..dont get me wrong, gusto ko na sinusulatan mo ko..pero better yung live..better na nakakapag-usap tau ng harapan..para sa ganun, alam ko rin kung paano kita patutunguhan ng maayos..na ge-gets mo ba ako?..ayoko na kasing ulit-ulitin pa sau ito..pero ayaw ko rin na pa ulit-ulit na lang tong ganitong problema..sabi mo sa akin, babaguhin mo na,,mas marami ka pa ngang nakukwento kila ces, jaynee, tin tin..sana nga katulad na nga lang din nila ako eh..pero ayaw ko rin..hindi ko na alam kung anong gagawin ko..sana, katulad na lang ako ni melody, or ni joey, or ni mezzy..

pero ma, wala akong magawa.,.alam mo ba kung bakit?..kasi, mahal na mahal kita..kapag hindi kita kakausapin dahil naiinis ako sau, ako rin ang nawawalan..ako rin ang nalulungkot..gumawa lang ako ng sarili kong katatakutan..na hindi kita maka-usap..at alam ko sa sarili ko mismo, na marami akong pagkukulang..sa mga lakad niong magkakaibigan na dapat kasama ako..at napaka rami pang mali..aminado ako dun..kaya im so sorry ma..ang sarap sanang pakinggan ng personal yung mga bagay-bagay na sinusulat mo at tina-type mo dito sa blog eh..alam mo yun, kapag binabasa ko kasi sila, nakangiti na ako all the while..what more kung narinig ko pa sila mismo sa mga bibig mo..

ayaw ko rin namang sabihin sayo ito ng personal kasi pagkatapos kong sabihin sau to, wala rin naman akong makukuhang sagot sau..alam ko, hindi ka mag-re-react..sana this time, mag-react ka na..kahit bigla mo na lang akong sampalin..kung yun ba ang reaction mo eh..tatanggapin ko ng maluwag na maluwag..basta mag-react ka lang..wag lang ang pakikipag-break ang reaction mo..hindi ko kakayanin yun..

basta ma, laging mong tatandaan, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita (hindi yan copy-paste..ti-nayp ko talaga yan).. hinding hindi yan magbabago..hindi ko ito sinabi sau para isumbat ang mga mali mo..but i did said these things for i want to make hings happen better..i want our relationship to last up to the end of our lives..forever..alam mo ba ma, kuntento na kasi ako sau eh..wala na akong hahanapin pang iba..mahal na mahal talaga kita eh..masayang masaya na ako..eto na talaga yung hinahanap kong saya sa buhay ko..yung ma-kumpleto ako..

ma, i love you very much..
you take care always..
God bless..

i'll be waiting for your reaction on this..hahahahahaha..
:D :D :D

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are