Thursday, April 20, 2006

five months

woohooo!!! five months na kami ni pa...wahahahaha!!! five months na din ako gumagawa ng ganitong post. Thank God! sobrang sarap sa feeling na going stronger yung relationship namin ni pa. Sana talaga FOREVER na ito...sana talaga!!! Hay!!

Actually, wala talaga akong balak mag-post dito sa blog ko ngayon. Para kasi sa akin walang magandang nangyayari sa buhay ko ngayon lalo na sa school. Oo, sa school!! Nagstart na yung summer class namin, at hindi ako masaya sa nangyayari sa buhay ko. Hindi talaga!! Ang hirap-hirap lang kasi nung ganitong set-up. Set-up ng maraming bagay sa buhay ko ngayon. Una, yung sa section ko. Hindi ko kinakaya yung ganito na wala akong kakilala o kasama sa room. Lagpas 1 week ng nagstart yung summer class ko, at ilang araw na rin akong pumapasok pero wala pa rin akong friends. Kawawa naman ako, diba?? Alam mo yun? Naranasan mo na ba yung pagpasok mo sa room, hindi mo alam kung san ka uupo kasi parang lahat noong upuan na uupuan mo hindi pwede, kasi may nakaupo na or nakareserve na siya. Bigla ka na lang pupunta sa CR dahil sa sobrang sama ng loob mo at iiyak ka magisa. waahhh...naranasan ko na yun...Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Iniisip ko nga kung ayaw lang ba talaga sa akin ng mga classmates ko o kung ako lang talaga yung hindi marunong makisama. Eh, ang bait-bait ko naman. Yung needs ko ko for belongingness hindi ko talaga ma-acquire..waaahhh.. Pangalawa, sa grades ko. Gaya nga ng sabi ko kanina lagpas 1 week na nagstart yung class ko at marami na rin kami nadi2scuss sa iba't iba naming subject at may mga quiz na din kami. Sobrang hindi ako natutuwa sa mga results ng quiz ko. Basta, hindi talaga siya maganda. Tas dahil nga sa wala akong friend sa room namin, sobrang tinatamad akong pumasok sa school. Nag-absent nga ako nung isang araw dahil sa ayaw kong makita yung mga classmates ko. Idagdag mo pa yung 2.25 na grade na kaylangan kong i-maintain..Hay! Pangatlo, sobrang miss ko na yung friends ko. Minsan nga nagtatakot na ako kasi baka mamAya bumalik na naman ako sa dati. Yung tipong hindi talaga nakikipag-usap or hindi talaga nagkkwento. Ayoko ng bumalik sa ganoon, gusto na yung ganito ako na nasasabi ko na masaya o malungkot ako. Feeling ko kasi, unti-unti na naman akong nagkakaron ng sarili kong mundo. Hay!! At ang pinakahuli, sobrang hirap ng set-up namin ni pa ngayon. As in! nakakapanibago... Nasanay na kasi ako na kasama ko siya sa takbo ng buhay ko sa school..Kasabay sa maraming bagay..Hay!! sobrang nami2ss ko si pa. Tapos ngayon, bihira na lang kami magkita or mag-usap...Hay!!

Hindi ko alam kung magkakasurvive ba ako...Ang hirap lang talaga nung ganito. Ang bigat sa pakiramdam. Ang panget lang kasi noong nagiging daily routine ko...Biruin mo yun..Gigising ka na umiiyak ka...pag nasa school naman umiiyak ka din...hanggang sa pagtulog mo umiiyak ka pa din....waaahhhhh... ang hirap nun noh!! breakfast, lunch at dinner mo umiiyak ka....Hay!!! ayoko na talaga.....

I just miss my pa so much...
I love you pa..
mwah...

Godbless Us!!!

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are