Monday, May 22, 2006

it's over

Yes! Summer class is over and I’m glad that it’s really over. It ended last May 17. I already got my grades, and sad to say I wasn’t able to maintain my grade in one of my subjects. I’ve got 2.50 on NCM101, and our maintaining grade is 2.25. Ok, it’s like this. I’m a probationary student, and as a probationary student you are required to maintain a grade of 2.25 in all of your subjects for summer and 1st semester of 3rd year. How terrible is that? And if you fail to maintain your grade you cannot go on to the next level. *sigh!*

Fortunately, our school has given us a chance para makatuloy ng 3rd year. *whew!* Ayan, akala ko talaga hindi na ako makakatuloy ng 3rd year. Before pa kasi I-release yung grades kanina alam ko na yung grdes ko. Pinakuha ko kay pa sa text. And ayun nga, sobrang nalungkot ako. Tipong lahat na ng hindi magandang pakiramdam na maramdaman naramdaman ko na. Hindi ko inexpect na ganun kahirap yun. Kasi sinabi ko na rin naman sa sarili ko dati na dapat maging ready ako sa mga mangyayari. Pero, kahit pala anu mang ready mo, hindi talaga siya ganun kadali. Parang na-feel ko tuloy yung mga na-feel ng mga classmates ko dati na natanggal na. Lagi ko kasi sinasabi sa kanila na okey lang yun, na marami pa naman pwede mangyari eh. Tapos nung ganun na nga yung nangyari sa akin, narealize ko na iba pa rin talaga kapag ikaw na yung nasa mismong sitwasyon. Kahit ayaw mong malungkot, malulungkot ka. Kahit ayaw mong isipin, maiisip mo pa rin. At kahit ayaw mong umiyak, iiyak ka pa rin. At talaga namang katakot takot na luha ang nailuha ko nung gabi na nalaman ko yun hanggang sa pag gising ko nung umaga iyak pa rin ako. Tas nalungkot talaga ako kasi naisip ko si pa, naisip ko yung kami. If ever nga na malilipat ako, parang sobrang hirap talaga nun sa part naming dalawa. Eh nasa isang school na nga lang kami, bihira pa kami magkita what more kung magkaiba na kami ng school. Laki nga ng pasasalamat ko kay pa, kasi hindi niya ako iniwan. Lahat na ata ng positive words at positive na bagay na pwedeng mangyari eh sinabi niya. I’m just glad na nanjan siya. Tapos, naisip ko din si mama & papa ko. Paano ko sasabihin sa kanila, syempre nakakahiya yun sa kanila. HAY!!

Tapos kanina nga, nagkaron ng assembly lahat ng probationary student. Tapos binago ata nila yung system. GWA na lang yung ginawa nilang basis. Siguro natakot sila na kapag yung lumang policy yung ipapatupad nila konti na lang yung students na mageenroll. Hehe… marami din kasi talaga yung hindi nakapag maintain ng grade. Hay!! Basta, thankful pa rin ako kasi nbigyan ako ng another chance. Maraming salamat lang sa lahat ng tao na nagbigay ng support nila sa akin. Sa pagsuport sa akin. Sa mga bestfriends kong sina melody, joey & rhon…pti na rin si khaye salamat kasi pinasaya mo ako nung gabing sobrang lungkot ko, lalo na yung nalaglag ka sa upuan..Hahaha…kay pa, thank you dahil nanjan ka… hindi ka sumusuko kahit ako na mismo yung sumusuko sa sarili ko..at syempre kay Almighty God, a million thanks talaga…sa lahat ng blessings at sa lahat ng maganda at hindi magandang nagyayari..thank you kasi marami akong natutunan…hay!!! God is good all the time!!!!! All the time God is good!!! :D

I love you pa!!

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are