Tuesday, April 03, 2007

helpless

gusto kitang tulungan kaya lang hindi ko alam kung ano yung tulong na kaylangan mo. hindi ko alam kung anong tulong yung pwede kong ibigay. nalulungkot ako kasi malungkot ka. nasasaktan ako kasi nararamdamn ko na nasasaktan ka. hindi ko alam kung ano yung nangyari at nagkakaganyan ka. ang hirap pala nung pakiramdam na parang gusto mong alamin yung ngyayari, kaya lang you just can't get into the situation. parang yung mismong tao na din na gusto mong tulungan ang nagtutulak sayo palayo.gusto mong pumasok, kaya lang parang may malaking harang na ayaw kang papasukin. ang sakit-sakit lang kasi wala kang magawa, kahit gustuhin mo man.

alam mo kung ano ung masakit? lagi mo kasing sinasabi sa akin na kapag may problema ako sabihin ko sayo. e bakit kapg ikaw, hindi ko yun maramdaman. pakiramdam ko gusto mo lang din na sarilinin yung problema mo. nirerespeto ko yung desisyon mo na minsan gusto mo na wag na lang pagusapan kung ano yung nangyari. kaya lang, sana nman minsan maisip mo din na may nag-aalala para sayo. alam ko din naman na hindi sa lahat ng oras alam ko dapat yung nangyayari.ewan ko, siguro masyado lang ako nagiging concern. yun lang. lagi mo sinasabi sa akin, wag kong sarilinin ang problema ko. wag kong isipin na nag-iisa lang ako. well, sasabihin ko lang din sayo na hindi ka nag-iisa, kasi nadito ako.

naisip ko lang. MASAKIT PALA KAPAG NANGYAYARI NA SA'YO YUNG MGA GINAGAWA MO SA KAPWA MO. kadalasan doble pa yung sakit na mararamdaman mo. KARMA, as you may call it. =,(
i love you pa.
Godbless.

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are