Sunday, September 23, 2007

fearless na ako!

fear, n. sense of threathening danger; dread: v.t. & v.i. to be afraid of; to dread.

natakot ako. natakot akong makinig, natakot akong maapektuhan ng mga bagay na maririnig ko. pinipilit kong wag intindihin yung mga sinasabi nila noong mga oras na iyon. pinipilit kong ilipat yung attention ko sa ibang bagay. alam ko kasi na maaapektuhan ako. natakot ako na malaman ung mga bagay na kinatatakutan ko. pero wala na akong nagawa. andun na ako. nakatayo, kasama silang lahat na alam ko natatakot din. hindi ko na napigilan. sumambulat na sa akin lahat ng takot sa buhay ko. ang hirap tanggapin na nabuhay ako sa takot. ang sakit. ang bigat. buong buhay ko puno na lang lagi ng takot.

alam Niya na nahihirapan na ako. kaya Siya na rin yung gumawa ng paraan para harapin ko lahat ng mga iyon at isuko ang lahat ng iyon sa Kanya. ang gaan sa pakiramdam. ang sarap. wooo!!! salamat.

ngayon, may mga takot pa din sa sarili ko. sabi nga nila hindi naman ganun kabilis mawawala yun. nagtitiwala ako sa Kanya. alam ko maraming magandang plano. at alam ko kasama lang Kita palagi. unti-unti ko ng aalisin yung takot ko. alam ko mahirap to. pero kakayanin ko. woohoo!!

i love you pa. Godbless. =D

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are