Friday, January 02, 2009

my 2008, full of surprises.

my 2008 jollibee planner.
this is like my companion for the whole year of 2008. daming ka-jologsan na nakasulat dito. lahat ng mga experiences ko dito nakasulat. life tracker ko na to e. kaya naman bago nag end yung 2008 ni scan ko ulit yung planner ko, at super jologs ko talaga sa bawat experience na sinulat ko dito at sa mga madramang araw ng 2008 ko. super dami memories sa planner na to. kahit na hindi ito yung wish kong matanggap na planner dati, super minahal ko to. haha. ma-attached ba sa planner? ang saya lang talaga ng 2008 ko.

woohoo!! tapos na naman ang 2008. super saya ng year na ito sa akin. dami kasi blessings e. as always naman, hindi naman nauubusan ng blessings ang bawat taon na nagdadaan. share ko lang yung mga events na nangyari sa 2008 ko.


grilled party ala sentai katorse
munting celebration ng grupo ko kasi nakapasa kami sa defense namin sa nursing research at natapos din lahat ng paghihirap namin.

drinking session
wala lang. nagkaayan lang kina kim. 1st time makasama ang grupo sa inuman. saya!! parang hindi nga inuman e, panay pulutan kasi kami. haha.

happy 21st birthday pa.
ayun nag 21 na si pa. sa cibo kami niyan e. 1st time namin. wala kasi siya nung mismong bday niya, kaya pag balik na lang niya kami nag celebrate. dinner sa trinoma at bumuli birthday gift niya. wee.

BS Nursing graduate
thank God kasi naka graduate na ako, at nakuha ko na ang kaunaunahang degree ko sa buhay ko. hahaha.

welcome home papa!
umuwi si papa para sa graduation namin ni kuya. kahit sandali lang siya dito masaya pa din. ang saya ko kasi may digicam na ako. wee. hahaha.

SRG review center
stressful ang two months na pagrereview for the nursing board exam. pero enjoy pa din kasi dami natutunan at sobrang galing ng mga reviewers namin. paid off lahat ng pagod lalo na nung lumabas ang result ng board exam.

olangapo getaway 2008
after yan nang board exam e. nag unwind muna ang grupo sa gapo, kahit patapos na ang summer nun. hahaha. enjoy!!

Happy 21st birthday to me
super saya ng birthday ko na ito. dami surprise galing kay pa. woohoo! pati sa grupo. galing talaga ni God. ocean park trip kasama si pa. 21 na ako pero mukha pa ring authistic. haha.

BUMMMER!!
sobrang tagal naging bum sa bahay namin. umattend ng mga seminars at trainings. dami naging issues sa pagalis pagpunta ng London, pero in the end pinili ko pa din na magstay sa mahal kong bansa.

Rochele Ann R Zara, RN #0512365
yun oh!! license nurse na ko boi. haha. yabang? di naman, super masaya lang. praise God sa extended na regalo na ito. hay!! pinaka malaking blessing this year.

Victory party ng group 14
syempre dahil lahat kami na nag take ng boards sa group nakapasa kaylangan may celebration. haha.

baby boy
nanganak na si kat. binisita namin siya sa las pinas. at muntikan pa kaming maligaw. haha. bitu na lang at magaling kami.

celebration sa tiaong
party sa tiaong kasama ang tropa. naghanda si aaron. tibay, daming pagkain. at sobrang bongga ng gabi. haha

a day with joey!
punta sa kanila para magpatulong sa resume ko. plano na kasing maghanap ng work e.

Oathtaking
kami ay nanumpa kasama ng libo libong nars na pumasa sa 2008 NLE. whew!! ang dami naming bagong nurses.

return of the come back sa IBA.
bumisita lang sa IBA, para magpasalamat sa mga foster families namin dun.

call center agent - customer service associate
ayun, dahil ang tagal ko na ngang bum at wala pang mapasukang hospital. nag try muna akong mag apply ng ibang work. take God kasi dun sa 2nd na company na inapplyan ko, natanggap naman ako. di di ako makapaniwala e. hehe.

wave 78 - sprint eTelecare
nakakilala ng mga bagong kaibigan sa bagong trabaho.

get together with group12
nagkita kita group ni pa. epal na naman ako ofcourse. haha.

YFL Hooked praise concert.
another God experience for me. galing nito. d best talaga ang pagmamahal ni God. woohoo!!

Rihanna & Chris Brown live at Taguig.
1st major concert na napanuod ko. galing nung dalawa. total performer. ang saya ko. haha.

3rd year anniversary with pa.
weee. another year for us. ang saya. thank God for the blessing of love. so blessed.

star city with the cruz's
celebration lang kasama si rycy, tin tin at jerald. dami kasing nangyari na maganda e.

eTelecare advance christmas party
EK adventure with Etel friends. saya! sarap mabasa at magpakahilo sa mga rides. hahaha.

malaigayang pagbabalik khing!
isang munting surpresa mula sa tropa. ang galing ng pagkakaplano ntio.

Steak and wine party.
christmas celebration ng grupo. ang sosyal na namin! haha.

Team ehm sa starbucks!
christmas party ng team ko. breakfast sa mr.kabab (west ave), tapos libre ni TL ng starbucks para lang mapuno niya ang stickers niya. haha. yaman!! :D

so ayan yung mga events na ngyari this whole year. actually madami pa talaga e. yung mga first time kong nagawa. gaya na lang ng nakapanuod ako ng concert ng hillsong, tapos nakapag rowing na rin ako, pagpunta sa pink sister sa tagaytay. mga walang katapusang picture galore. haha. super saya talaga. thankful kay God sa year na ito. sa mga bagong experience na natutunan, mga bagong taong nakilala at nakasama. sa mas nag improve na ako. naks! major improvement talaga. boinks!! naeexite na ako for 2009! actually, gaya nga ng na i-share ko kay pa. mixed emotions nararamdaman ko. excited kasi sa mga mangyayari, sa mga bagong 1st times ko. malungkot kasi natapos na naman ang isang taon. kinakabahan kasi 2009 na, dapat may patunguhan na itong buhay ko. haha. iba iba talaga. ill just pray for God's guidance at i-eenjoy ko lang ang buong 2009 na. weee. sama ulit kayo sa 2009 ko ah. Godbless us.

i love you pa.
Godbless.

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are