Yummy tlaga!!..teka, ano naman kinalaman ng kwento kong yan sa title ng post ko ngayon?
..wala!! share ko lang, tagal ng hindi nagblog eh..

haha!! hindi, meron pala..
_______________________________
si rea, hannah at ako habang kumakain ng m&m's.
hindi ko alam kung paano nagsimula ang paguusap namin. basta ang alam ko lang ay sarap na sarap kami sa pagkain ng m&ma's ng biglang
lahat kami may problema sa mga tatay namin. parang biglang nagkaron ng sharing sa pagitan naming tatlo. hindi ko rin naman kasi alam na may ganon din silang problema. hindi man kami parehas ng mga situation, pero ang bottom line ay may problema nga kami.
nakakainis isipin na ngyayari ito. naisip ko bigla, uso ba ngayon ang mangaliwa? sabi nga ni rea, "wala ng lalaki ngayon ang stick to one." ayoko mang sumang ayon sa sinabi niyang iyon, kaya lang minsan naisip ko parang totoo na nga. kasi kung hindi totoo, bakit nangyayari ito?
pero sandali lang, wag naman tayo maging unfair. kasi kung tutuusin lalaki man o babae, nangangaliwa na. kaya lang bakit kapag babae ang may iba, kinukutsa siya.., sinusumpa.., ikinahihiya.., kulang na lang sunugin siya ng buhay dahil sa mga masasakit na salita na naririnig niya sa iba. pero kapag lalaki, ok lang. "ok lang yun, lalaki naman siya eh" yan ang kadalasang sinasabi nila. so, sa tingin mo nasaan ang pagiging "fair" dun??
bakit may mga mag-asawang naghihiwalay? bakit may mga taong nagsasawang magmahal? ganon lang ba talaga kadali na ewan ang isang taong sinabi mong minahal mo? ganon lang ba kadaling umalis? bakit? ang daming kong tanong at wala akong idea kung paano ko siya masasagot. i just can't understand why people dont seem to care about love. ang labo lang talaga eh. is love really unexplainable? marami ba talaga siyang twist and turns? bakit may mga nasasaktan? at bakit may mga nananakit? hay!! bakit may takot magmahal? ano pa bang silbi ng kasal? bakit pa ba nagpapakasal ang mga tao? shocks!!! ang dami na talagang tanong?? hindi ko na talaga maintindihan. naiinis na ako. waahhh..
hmmp.. ngayon.. naiinis ako, nagagalit ako sa isang tao. galit ako sayo. bakit? hindi ko kasi maintindihan kung bakit ngyari yun. o kung bakit hinayaan mong mangyari yun. unti-unti na akong nawawalan ng respeto sa iyo. unti-unti na akong nawawalan ng tiwala sayo. at parang nawawala na rin yung pagmamahal ko sa iyo. parang hindi ko na maramdaman yung presensya mo sa buhay ko. oo, ikaw nga ang bumubuhay sa akin. pero, hindi mo ba naiisip na unti-unti mo din akong pinapatay dahil sa sakit na dinudulot mo. nasaan na yung taong hinangaan ko dati? nasaan na iyong taong pinangarap kong makatagpo ko din? nasan na yung ideal father na sinasabi ko nung bata pa ako. unti-unti mong sinira ang mga magagandang bagay na meron tayo. hindi ko na alam kung paano ka pakikisamahan. hindi ko alam kung hanggang kelan magiging ganito. nagsasawa na kasi ako eh. nakakapagod intindihin. ang hirap ibalik ng dati.
as of now, commited ako sa isang tao. hindi ko alam kung siya na ba talaga yung tao para sa akin. pero gusto ko na siya na yung makasama ko. hindi ko din alam kung hanggang saan tatakbo yung relation namin. basta, ang alam ko masaya ako sa kanya. at gagawin ko ang lahat para magtagal yung relation namin. alam kong mahirap magsalita ng tapos. mahirap sabihin na siya na nga yung tao para sayo. maraming dadarating maraming pwedeng makilala. hindi ko alam. basta, ang alam ko lang si pa ay regalo ko mula kay God. hindi ko siya hiningi, kusa siyang binigay sa akin ni God. siguro, yun na lang ang pwede kong panghawakan para masabi na "siya" na nga. at tsaka nakipagkasundo kasi ako kay God dati. sinabi ko sa kanya na kung bibigyan rin lang niya ako ng boyfirnd o kung magkakaboyfriend ako, gusto ko siya na yung mapapangasawa ko. haha.. ewan ko kung narinig ako ni God, pero sa tingin ko, oo!!! :D
I love you pa.
mwah!
Godbless!!
No comments:
Post a Comment