una sa lahat. HAPPY Immaculate Conception Feast Day sa ating lahat. ang daming tao kanina sa labas. super dami nakiki fiesta. haha. yup yup. fiesta din ng immaculate dito sa amin. and first time ko nakita kanina kung gaano siya kasaya. naisip ko tuloy, "pasko na ba?" dami kasing paninda sa labas. ang sarap nung mga kalamay, suman at kasoy. yum! tapos daming tiange. daming nagmamass. basta, jump packed yung daan kanina. kakatuwa yung mga tao. sarap picturan. makulay at maingay yung kalsada. ang lamig pa. haha. sa pagkakaalam ko, 3 days cncelebrate yung fiesta dito sa amin. so hanggang monday pa jump packed ang daan. alam ko sa monday yung luglog festival e. yung may mahabang parada ng pancit malabon. sarap2. simula nung lumipat kami d2 sa malabon, never pa ako nagkaron ng chance ma witness yung lulugan festival. lagi kasi akong may pasok sa school nun e. kya aun. sabi nila masaya daw un. malamang, madami pancit malabon e. haha.
noong pauwi na ako kanina. ay nakasalubong akong mga bata na nag ccaroling. kakatuwa sila tignan. ang saya saya kasi nila. at talaga nga namang makikita mo na ang pasko ay para sa mga bata.... at isip bata tulad ko. hahaha. ang saya saya naman kapag pasko. ![]()
i love you pa. Godbless. 
No comments:
Post a Comment