Monday, December 24, 2007

the golden boy

HAPPY 5Oth BIRTHDAY PAPA!

december 22, 2007. waahh!! ang tanda mo na pa. pero alam ko gwapo ka pa din. and you still look young. syempre naman, ikaw yata ang kamukha ko. at kahit sabihin pa nilang si mama ang kamukha ko. ipagdidiinan ko pa din na ikaw. ikaw. ikaw. at ikaw lang ang kamukha ko. carbon copy mo kaya ako. hahahaha.

miss na kita papa. sobrang miss na kita. hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam e. basta, alam ko sobrang miss na kita. nung nakausap kita sa phone nung saturday, pinatawa mo na naman ako. ang saya ko noon. nakakamiss yung mga moments na ganoon. ang dami ngang memories na nagflash back e. mga panahon na pakiramdam ko prinsesa ako. mga times na nagagalit ka sa akin kasi tamad ako, pero sa huli ikaw din naman gagawa lahat ng dapat kong gawin. kahit galit ka na sa akin, hindi mo ko pinalo. gustong gusto ko kapag binubuhat mo ko kapag nakakatulog ako sa salas. kung pano mo ko bantayan sa telepono kapag may kausap akong lalaki. kung paano ka maging sticto, pero sa huli pagbibigyan mo pa din ako. kung paano mo sinusubukang ibigay lahat ng gusto ko. kapag hawak mo yung kamay ko tuwing mamamasyal tayo. kung gaano ka-secure yung pakiramdam ko kapag andito ka lang sa bahay. mga pagluto mo ng paborito kong ulam. pag-aalaga kapag may sakit ako. lahat yon namimiss ko. lahat yun hinahanap hanap ko pa din.

minsan naisip ko, namimiss mo din kaya ako. hindi mo naman kasi sinasabi e. ganoon naman kasi tayo. hindi tayo showy. pero romantic tayo. haha. mana ako sayo e. karamihan ng ugali na meron ako namana ko sayo. except nga lang yung pagiging matalino. hahaha. hay! ang dami ng taon yung lumipas. naisip ko lang minsan, paano kaya kung nandito ka. siguro mas masaya. sana nga andtio ka na lang e. para naransan ko naman na ihatid mo ako sa school. makita mo ko kapag pagod na pagod ako galing duty. sayang hindi mo man lang ako nakita noong mga panahong na-in love naulet ako. ang dami ng moments na lumipas, na nawala, na hindi mo nakita. sayang lang talaga. mapupunuan pa kaya yun. ang hirap na kasi ng sitwasyon. ang dami ng nabago. sana lang pag andito ka na ulet. mapunan lang yung mga panahon na nawala. nakakapanghinayang lang kasi e. i love you papa. happy birthday.

i love you pa. Godbless.

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are