today is february 14. its valentines day. nakakatuwa. kasama ko ang grup 14 sa pagsalubong ng valentines day. may duty kasi kami. graveyard. aun. tas pag uwi namin kanina umaga. nagdecide kami (ozie, chantlle, lori, danna @ aq) na kumain muna ng lugaw. wala lang. aq nakaisip nun e. gusto ko lang. para mainit sa tiyan. kaya lang malas namin kasi sarado pa ung lugawan na favorite namin kainan. kaya naghanap na lang kami ng iba. dumaan muna kami ng church para mag-pray. tas hanap ng ibang pwedeng makainan. hanggang sa nakarating kami sa Goryo's pares haus. aun. swerte my lugaw. kaya lang yung lugaw nauwi sa tapsilog. hahaha. lahat kaSI kami nagdecide na mag rice na lang para pagkauwi namin deretso tulog na lang. aun. sarap nga e. first time ko lang nakakain dun kahit na super lapit lang niya sa bahay namin. hahaha.
nung papunta kami ng simbahan dami ko nakita na mag-boyfriends and girlfriends pati mag-asawa. napapangiti nga ako nung nakita ko sila. nakakatuwa kasi na makakita ng ganun. kitang kita mo yung love sa mga tao. sana araw-araw valentines. para araw-araw my chocolates at flowers din. JOKE lang. actually, hindi naman mahalaga yung gift e. para sa kin mas importante yung mapakita at maparamdam mo sa taong mahal mo na "mahal" mo sila. parang yung nakita kong mag-asawa na palabas ng simbahan kanina. siguro mga nsa early 50's na ung age ng couple na un. pero alam mo ba super sweet pa din nila. si tatay hawak-hawak niya yung kamay ni nanay tas kiniss pa niya. tas tumingin siya kay nanay sabay ngiti. diba ang SWWEEEEETTTT!! nun. kinilig nga ako. tas un. nasabi ko na lang bgla sa sarili ko na gusto ko ganun din kami ng magiging asawa ko. kahit na gaano na kami katanda. gusto ko hindi mawawala yung sweetness sa isat-isa. hay!! ang sarap talaga ng feeling pag nagmamahal ka. HEAVEN!!! hay.
na-miss ko bigla si pa. sana kasama ko siya ngayong oras na to. hahaha. hay! okay lang yan. konting oras na lang magkikita na kami ni pa. may date kasi kami mya e. excited na ko. yikeeee.
HAPPY VALENTINES DAY!!
lets give love to everyone.
sa lahat ng nagmamahal:
patuloy lang kayong magmahal. lagi kayo magpray. always remember that God is a strong foundation of love. always love, respect and trust your partner.
sa mga loveless:
wag kayo malungkot. wag niyo isipin na nagiisa lang kayo. dahil kahit ano pa sabihin at isipin niyo siguradong may nagmamahal sa inyo. di niyo pinapahalagahan.
sa lahat ng MAHAL ko sa buhay:
Happy valentines day. mahal ko kayo. lagi niyo yan tatandaan. =D
I love you pa.
mwah
GODBLESS.
^__^
>>kaylangan ko na matulog. may date pa ko mya. bka di ako magising. haha. ciao.
No comments:
Post a Comment