Pinapaalala ng Araw ng mga Puso ang mga unang araw ng ating pagsasama.
Naalala ko pa kung ano ang naramdaman ko noong una kitang makilala.
Hindi ako makapaghintay na makilala ka, makausap at malaman ang lahat lahat tungkol sayo.
Parang kahapon lang ang una nating "date".
Naalala ko ang ngiti mo na nagpahulog ng loob ko sa iyo.
Lagi kong pinanabikang makita muli ang ngiti mong iyon.
Lagi kong naalala ang bagay-bagay na ating ginawa, mga lugar na ating pinuntahan.
Gustong gusto kong iniisip ang mga pagkakataong tayo lamang ang nakakaalam.
At sa pagdaan ng panahon.
Higit na nagkakaroon ng kahulugan ang mga regalong ibinigay natin sa isa't isa, ang mga litrato at mga "love letters".
Hindi ko mapigilang matawa tuwing naaalala ko ang ating unang tampuhan. naayos din natin ito at nagiging mas matatag at malapit pa tayo sa isa't isa.
Hindi talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko noong unang pagkakataon sinabi mong, "MAHAL KITA".
Isa iyon sa pinakamaligayang sandali sa buhay ko.
Simula noon binigyan mo ako ng maraming dahilan upang mahalin ka.
MAHAL KITA pa.
HAppy Valentines day!
^_^
No comments:
Post a Comment