Tuesday, October 09, 2007

kailan kaya?

nasa fx aq nun. nakakapagod. nakatingin lang sa bintana ng sasakyan. tinatahak na namin ang daan patungo sa mga bahay namin. ang tagal, medyo naiinip na ako e. hinayaan ko na lang na aliwin ako ng kagandahan ng gabi. pinagmamasdan ko ang ilaw sa daan. ang ganda. gustong gusto ko talaga kapag gabi na. ang sarap pagmasdan ng langit. parang sinasabi niya sa akin na tapos na naman ang isang araw at ang sarap magpahinga, at pagnilayan lahat ng nangyari sa buong araw.

habang nakatanaw sa daan, naisip ko lang yung mga bagay na gusto ko at gusto kong gawin. ang dami na pala nila. sobra!! yung iba doon, high school pa lang ata gusto ko na. pero hanggang ngayon hindi ko pa din sila nagagawa. minsan tinatanong ko yung sarili ko kung magagawa ko pa kaya sila. kailan ko kaya sila makukuha at magagawa? minsan kasi parang frustrations na lang sila e. siguro kasi karamihan din sa kanila, imposibleng mangyari (sa ngayon?). o dahil weirdo din kasi yung mga naiisip kong gawin. o dahil wala din akong ginagawa para makuha at mangyari sila. ang hirap kasi kapag wala ka ding kapital. kahit nakakapagod umasa, umaasa ka pa din na mangyayari yung mga yon. ang sarap kasi mangarap e. na tipong ayaw mo ng gumising o kumurap man lang. kaya lang magugulat ka na lang kasi minsan, hinihila ka na pala ng realidad pabalik. saka na lang daw ulet aq mangarap. harapin ko daw muna kung ano yung meron ako sa ngayon.

bababa na pala kami. tapos na naman ang isang saglit na paglisan ni che sa realidad. nakabalik na ulit ako sa totoong mundo na umaasang may naghihintay na magandang kinabukasan.

i love you pa. Godbless.

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are