Thursday, February 28, 2008

mga lihim na pagnanasa

gusto ko ng ice cream. pampalamig ng mainit na ulo. gusto ko ng kwek kwek. gusto kong libutin ang bawat sulok ng maynila, pati yung bagong bukas na under ground water adventure ek ek nila dun. madaming isda dun na hindi ko pa nakikita sa tana ng buhay ko. sabi ni kim lilibutin daw namin ang buong ermita at mag ffoodtrip lang. aprub ako dun. masaya yun. para ka lang bata na gustong bilhin lahat ng makikita mong pagkain sa daan. gusto ko ng pasta at pizza. nakakagutom. ang sarap nun lalo na yung amoy ng bell pepper. tapos yung pasta ko, lalagyan ko ng madaming madaming CHEESE. hay!! gusto ko magpunta ng greenhills at manuod ng sine dun. hindi pa kasi ako nakakanuod ng cine dun. ang jologs. pero siguro parehas lang din naman yun ng itsura sa ibang sinehan. gusto ko lang, para masabi lang na nakapanuod na ko dun. gusto ko ng cinnamon. ang bango at ang sarap. gusto ko mag starbucks. kahit kelan kasi hindi ko pa nabibili ang sarili ko ng kahit ano sa starbucks. lagi na lang ako nililibre. i-treat ko naman yung sarili ko minsan. pag nagkapera ako, isa yun sa mga una kong gagawin. gusto ko ng siomai at siopao. lumalabas na naman ang dugong intsik ko. paborito ko kasi yun e. kahit isang ligo na yun lang ang ulam ko, solve na ako. basta, iba't ibang clase lang ng luto ah. gusto ko ng spareribs sa LE CHING. chinese restaurant yun. matagal na din akong hindi nakakakain dun. d best dun. lahat ng chinese food dun masarap. gusto ko ng coke float tska hot fudge sa jolibee. gusto ko din ng doughnut at isang hot choco. mainit yun sa tiyan, tamang tama sa medyo malamig na panahon ngayon. gusto ko yung panahon ngayon. sana lagi na lang ganito, para masarap matulog sa gabi. mas masarap nga lang pag may kayakap ko. oooppppsss!!! gusto ko mag dvd marathon. saka ko na lang gagawin yan pag tapos na lahat ng activity sa school.

hay!! madami pa akong gusto. hindi ko na lang maisip yung. basta alam ko marami pa talaga sila. gusto mo ba sumama sa kin??

i love you pa. Godbless.

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are