sabi niya sa sarili niya, tama na daw. dumating siya sa punto na iniisip niya kung tama pa ba to. kasi patuloy ka lang daw niyang nasasaktan sa mga bagay na ginagawa niya. mali. sa mga bagay pala na hindi niya nagagawa o inaasahan mong gawin niya. hindi rin naman niya maintindihan kung bakit niya yun nagagawa sayo e. sa maniwala ka't hindi, di niya yun sinasadyang dawin sayo. ang gusto lang naman niya ipakita kung gaano ka kahalaga e. hindi siya napapagod na mahalin ka. napapagod siya sa sarili niya. kasi paulit-ulit ka na lang niyang nabibigo. minsan naisip niya na sana maging ibang tao na lang siya. sana napapatawa ka din niya tulad ng iba. nagiging makabuluhan ang bawat paguusap tulad ng pakikipagusap mo sa ibang tao. alam naman niya talaga na sa simula't simula pa lang marami na kayong pagkakaiba. pero sinunod pa rin niya kung ano yung nararamdaman niya. sinubukan niyang baguhin kung ano ung panget, kaya lang may mga bagay na hanggang ngayon hirap pa rin siyang baguhin, o iimprove. hindi na rin kasi niya alam kung ano pa yung gagagwin e. sa isang banda, nailang siya bigla sayo kasi hindi na niya alam kung paano makikitungo sayo. na para bang kapag magkikita kayo o magkasama kayo hindi na niya alam kung ano ung tamang kilos na gagawin niya. hindi na nagiging natural. na dapat bago kayo magkita planado na niya lahat ng kilos na gagawin niya. simula sa paglalakad, sa pagtawa, sa mga bagay na ikkwento, hanggang sa bawat salitang lalabas sa bibig niya. naguguluhan siya e. natatakot na siya na may gawing mali na magiging dahilan ng pagkalungkot mo. please, sabihin mo na lang kung ano ba yung gusto mong gawin niya. ano ba yung gusto mo? ano ba yung dapat kong gawin. ayaw na niyang saktan ka. hindi naman daw niya minamasama ang bawat bagay na pinupuna mo. siguro nga masakit daw sa umpisa. pero alam mo namang handa niyang baguhin kung ano man yun. sana wag mo lang siya ikumpara sa ibang tao. kasi masakit yun para sa kanya. ikaw kasi yung taong inaasahan niyang tatanggap sa kanya e. nakakalungkot kasi isipin na minsan hindi ka sapat para sa isang taong mahalaga sayo. na iba pala yung inaakala mo sa tatoong nangyayari. sabihin mo lang sa kanya kung ano yung dapat niyang gawin.
i lvoe you pa. Godbless.
No comments:
Post a Comment