kakatapos ko lang manood ng PDA. at super kinikilig ako kay yeng pati kay rj. wala lang, sobrang nakakatuwa lang yung nangyayari sa kanilang dalawa. gusto ko kasi silang dalawa eh, and i think bagay sila. todo kilig talaga ako, as in habang pinapamood ko yung eksena nilang dalawa sa tv, nakangiti lang ako. at hindi lang basta ngiti
todo ngiti talaga. ang sarap lang kasing makakita ng ganung scene. ewan ko ba, this past few days kasi sobrang naadik ako sa mga mushy things. tipong simpleng bagay lang kinikilig na ako. ang sarap kaya sa feeling. haha.
narealize ko lang kasi na ang sarap sarap ng feeling kapag in love ka. yung tipong may dahilan kang gumising sa umaga. maisip mo lang siya kikiligin ka na. yung feeling ng kilig pag magkasama kayo, magkahawak kayo ng kamay, pag nag-kiss kayo. yung bilis ng tibok ng puso mo pag nagsabihan kayo ng "i love you" w/ matching hug. (yikee!!) shocks!!! sobrang nakakapanghina talaga ng buong katawan, parang at that very moment gusto mo na lang himatayin bigla dahil sa sobrang galak mo. alam mo yun, it feels like heaven talaga. yung ngiti mo lalagpas na talaga sa mukha mo. haha. lalo pa't alam mo na karapatdapat yung taong yun. ang saya2 sa pakiramdam. alam ko na hindi lang naman yun yung basihan ng love. pero face it, malaking factor talaga iyon. yung "kilig factor". kumbaga ang sabi nga nila, may "magic", may "spark", may "kuryente". Promise!! totoo lahat yan, believe me. pati kamo yung sinasabi nila na tipong hihinto or babagal yung buo niyong paligid, ay naku na experience ko na lahat yan. haha!! OA na ba ako masyado? hindi kaya. normal lang to noh. normal na nararamdaman ng isang taong super in love. haha!!
kaya nga siguro kahit na nasasaktan tayo paminsan minsan, kahit sabihin pa natin na hindi na tayo ma-iinlove. wala pa rin tayong magawa. na-iinlove at na-iinlove pa din tayo. kahit pa sabihin mo na hindi, basta't may naramdaman ka ng kakaiba, hindi mo na mapipigilan yan. kahit ayw mo, titibok pa din siya. di mo na lang namamalayan na paunti-unti ka ng nahuhulog kahit ayaw mo. hay!! its really getting corny here. haha! HELLO!! corny talaga ang ma-inlove no. wala ka ng magagawa dun. kahit sabihin mo pa na hndi ka magiging corny pagdating sa love, duh!? believe me, kakainin mo lahat ng sinabi mo pag may tinamaan ka na ni cupido. haha!!
masyado ba akong maraming alam pagdating sa pagiging inlove? expert ba ako? hndi ah! sablay nga din ako eh. wula lang. siguro i just go with the flow. basta, ang alam ko masaya ako w/ my partner ryt now. at wala na siguro pang mas sasarap pa sa feeling na nararamdaman ko ngayon. feeling of happiness and completeness.
hay grabe!! dapat ko na atang tigilan ang panonood ng mga romantic films and shows. mxado akong nagiging mushy talaga. haha.. arte!!! :D
i love you pa!!
Godbless.
mwah
^_^
No comments:
Post a Comment