Walastik ka, alam mo ba yun? idol kita! whooo!! bakit?? bakit namna hindi diba. eh binulabog mo lang naman ang kalahati ng bansang pilipinas sa pagdating mo. sa isang iglap, ginulantang mo ang mga tao. isang gabi lang ang binigay mo sa aming palugit para pagahndaan ang magarbo mong pagdating.
dumating ka sa itinakda mong oras, walang mintis. nung umpisa akala ko hindi ka mapapakitang gilas..aba teka lang ha. sandali lang. ginulat mo kami sa mga sunod sunod na paghamaps ng iyong hangin. bumagsak ang maraming billboards sa kalakhang maynila. nabuwag na mga puno sa kalsada. maraming bubong ang nagliparan, at muntik ng mapasama ang kalahati ng bubong namin dun ha!! maraming nasirang bahay. bumaha sa maraming lugar. maraming nastranded na tao, nwalan ng pasok..nwalan ng ilaw, as in major block out..pinatulog mo ako sa gitna ng dilim at maraming lamok. gumising akong madilim pa rin ang aking kapiligiran..walang signal..ang hirap magtext at pati ba naman sa landlyn ang hirap pa rin ng contact..whooo!! bilib talaga ako sayo...
alam mo ba kung ano ang pinakamalupet mong ipinamalas.. yun ay ang pagkuha mo ng mga buhay ng tao, mga taong walang malay na sa araw ng iyong pagdating ay mawawakasan ang kanilang buahy.. biglang natigil ang lahat ng gawain ng tao. lahat nagdadalamhati, laht nalulungkot. kaming lahat ay hindi inasahan ang dla mong pinsala..
marahil ganito lang talaga ang buhay natin, maraming bagay ang nagyayari na hindi naman talaga natin inaasahan. bigla lang itong dadarating na wala naman sa plano natin. hindi mo lam kung kelan ka dapat maghanda. nagpapasalamat pa rin ako ky God, kasi kahit na muntikan ng matangay ang bubong namin, at isa't kalahating araw kaming walang kuryente, at nalubog sa baha ang malabon.., nagpapasalamt pa din ako dahil nakakapagblog pa din ako ngayon, may bahay pa din akong matutulugan at walang napahamak sa mga taong mahal ko. dapat na lang nating ipagdasal yung mga pamilya na naperwisyo talaga ni Milenyo.. na maging okey na ang lahat at makapagumpisa sila ng panibagong buhay katulong si God, diba.. malalgpasan nating lahat ito..
GODBLESS US ALL!!
i love you pa.
(^.^)
No comments:
Post a Comment