si pau. isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang college life ko, kung bakit napagtiyagaan ko ang nursing, at dahilan kung bakit baliw ako. soulmate ko ata ang taong ito. ewan ko ba. sa mga pagkakataon kasing kaylangan ko ng makakausap o makakasama, siya yung taong pinapadala ni God para tulungan ako. noong panahong hindi ako nakapag exam dahil hindi na-approve yung promi ko, ikaw yung nakita ko habang nakatayo ako sa harap ng LB at hindi alam ang gagawin. noong naghahanap ako ng makakasama para manuod ng send off party, naglalakad lang ako papunta din ng LB nang hindi ko inasahang makikita kita. marami pang pagkakataon na lagi kang sumusulpot na parang kabuti tuwing mag-isa ako. ewan ko ba kung bakit. pero masaya ako sa bawat pagkakataon na nangyayari yun.
napakaswerte ko dahil kaibigan ko siya. salamat sa mga katatawanan. salamat kasi lagi mo akong pinapasaya. salamat sa mga panlalait sa akin. haha. salamat kasi tanggap mo ko kahit magkaiba yung leveling natin. alam mo namang eto lang ako tapos eto ka e~(may kasamang action yan ah =D) salamat kasi napagtiyagaan mo ako, kahit lagi ko nilalait yung buhok mo. hahaha. kahit na matagal na tayong hindi magclassmate hindi mo pa din ako nakakalimutan. sana magkita na ulet tayo. sobrang miss na kasi kita e.
Happy birthday pau. sorry kung late na yung greetings. alam mo naman busy ako eh. hahaha. wish ko na marami ka pang taong mapasaya (ano ka artista? haha). wag mo na masyado isipin ang mga problema sa buhay. matatapos din yan. haha. basta, kapag yumaman ka na wag mo ako kakalimutan ah. hehe. ingat ka lagi. love you pau. Godbless. =D
HAPPY BIRTHDAY PAULO!!!
i love you pa. Godbless. 

No comments:
Post a Comment