sa wakas natupad na din yung pinagdadasal ng karamihan sa atin, ang umulan ng tuloy tuloy. nakakalungkot nga lang isipin na sa unti unting pag angat ng tubig sa mga dam umaakyat din ang mga tubig sa kalsada sa buong metro manila. karamihan ng lugar sa maynila ay lubog na sa tubig baha dahil sa walang tigil na pag-ulan. unang una na sa listahan ang malabon. overflowing na ang baha dito sa amin. kaninang umaga ko lang nakitang bumaha dito mismo sa tapat ng bahay namin. disaster talaga. hindi ko alam kung paano ako papasok. badtrip kasi yung CHED, ang tibay nila. ayaw mag declare ng suspension of classes sa college level. alam naman nilang konting ulan lang bumabaha na sa maynila e. tinanong nga siya ni arnold clavio si chairman puno ng CHED kung may pasok ba daw talaga sa college level kahit sobrang lakas at wala ng tigil yung ulan. abay sumagot ba naman ng isang matigas na, "OO" ang lokong yun. inis na inis talaga kami ni kuya habang pinapakinggan siya. buti na nga lang nagtext si pa at mga classmates at friendship sa skul na wala na ngang clase. pero si kuya kawawa kasi may clase talaga sila. lumusong tuloy siya sa baha. hehe. wala naman silang ginawa sa skul. attendance lang daw. sayang naman ang pagpasok sa skul. bakit kasi late na ina-announce ang mga suspension na yan. kung kailan nasa skul na ang karamihan sa mga estudyante tsaka sila mag-aannounce. hay! wala ng pinagbago.
nanunuod kami ni kuya ng balita kanina. tapos pinapakita sa tv yung mga binahang lugar. pinopoint out dun yung mga basura na nakabara sa mga canal. hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko at kung ano yung iisipin ko. tinanong ko si kuya, bakit kaya nangyayari yan? dahil sa poverty. e bakit may poverty? dahil sa mga walang kwentang presidente. bakit may mga walang kwentang presidente? dahil tanga yung mga tao sa pagboto. ay, ewan q sayo. pagkatapos ng maiksi paguusap na yun, naisip ko lang na meron siguro talagang malaking kasalanan yung mga tao sa mga nangyayari. wala kasi tayong disiplina e, tapos tayo rin yung nagbabayad dun sa mga kabalastugan na ginagawa natin. hay! when will Filipino peole ever learn? ano na kaya mangyayari sa atin sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon? hindi ko rin alam yung sagot e. God only knows. 
i love you pa. Godbless. =D
No comments:
Post a Comment