Tuesday, March 28, 2006

ang dami lang

Ang hirap naman. Sobrang nahihirapan ako. Parang hindi na ako makahinga eh. Ang dami-dami lang kasing iniisip. Ang dami-daming bagay yung gumugulo sa isip ko. Sa mga oras na ito parang gusto ko na lang mawala bigla. Umalis, tumakbo, takasan yung mga bagay-bagay sa mundo. Hay!! Bakit ba kasi kahit ayoko magisip or isipin patuloy pa rin siyang pumapasok sa isipan ko. Nababaliw na ata ako eh. Ang dami lang talagang gumugulo sa isipan ko ngayon. Wala man lang akong makausap, mapagkwentuhan o mapaglabasan ng mga saloobin ko. Ayoko lang kasi na manggulo ng ibang tao na lam ko na may mga bagay din na pnoproblema o iniisip. Buti na nga lang at nanjan si kuya, kasi at least napapasaya nya ako kahit papano.

>>>Yung bestfriend ko galit sa akin. Hindi ko man lang siya makausap. Natatakot din kasi ako, alam ko naman kasi na kasalanan ko eh. Ang dami-dami ko ng pagkukulang sa kanya. Sobrang dami na talaga. Parang kahit mag-sorry ako, hindi pa rin nun matutumbasan yung mga ginawa ko sa kanya. Napakawala ko naman kwentang kaibigan. Ni hindi ko na nga alam kung ano na yung nangyayari sa buhay niya, kung may problema ba siya o kung kailangan niya ba ng makakausap. Hay naku che!! hindi ko alam kung papano kung mapupunan yung mga pagkukulang ko bilang kaibigan niya. Sana maayos na.

>>>Yung admission ko sa IN. Tagilid pa yung chances ko na ma-admit sa IN. Hindi ko pa alam kung ma-aadmit ba ako o hindi. At kinakabahan talaga ako. Tas sa April 1 may interview ako kasama si mama. Hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam kung pano ko dadalhin sarili ko. basta, kapag naiisip ko yun parang bigla ko na lang gustong umiyak. kasi naman hindi lang basta interview yun, yun ang makakapagsabi kung karapat dapat ba ako na ma-admit sa IN.

>>>Yung magiging result nung interview. Ewan ko ba? Para kasing ayaw ko na din umasa na makakapasok pa ako sa IN. alam ko naman kasi yung kakayahan ko eh. Alam ko kung hanggan san ko lang kakayanin. At alam ko din na mukhang di ko nga kakayanin. Ayaw kong mawalan ng pagasa, kaya lang kapag naiisip ko kung gaano ako ka-tanga..waah..parang wala na talga. I'm always praying na sana makapasok ako, kaya lang parang ako naman mismo yung bumibitaw. Kapag naiisip ko kasi kung gaano karami yung matatalino at magagaling na estudyante sa AHSE, hindi ko maiwasan na mawalan ng pagasa. I know God will help & guide me, kaya lang hindi ko alam kung kaya ko bang tulungan yung sarili ko. HAy!!!! Hindi ko lang talaga alam gagawin ko. Sobrang kaylangan ko ng maraming self confidence.

>>>Yung sarili ko. Hay!! Bigla ko na naman naramdaman yung ganitong feeling na kainisan yung sarili ko. Before kasi hindi ko na ito nararamdaman, ngayon na lang ulet. Hay!! Naisip ko lang kasi na parang wala akong pakinabang sa mundo. ewan ko ba? ang hirap lang talaga. Minsan kapag nakakakita ako ng isang tao na super galing o di kaya ang dami niyang alam gawin, naiinggit ako. Alam ko na hindi yun maganda, kaya lang hindi ko lang talaga maiwasan eh. Parang bigla ko na lang itatanong sa sarili ko, "ANO BA KAYANG KONG GAWIN? MERON BA? SAN BA AKO MAGALING?" Minsan nga pakiramdam ko ang unfair ng mundo. kasi bakit pa may mas magaling, may mas matalino, may mas maganda, may mas mayaman!! Basta, parang laging may mas nakakataas. Hindi ba pwede yung pantay-pantay lang lahat. Diba parang mas maganda yun??!! Hay!! Hindi ko lang talaga magets. Kahit anong pagintindi yung gawin ko, hindi ko pa din maiintindihan.

Ang bigat-bigat lang talaga sa pakiramdam. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ano kaya mangyayari sa akin? Meron nga bang mangyayari sa buhay ko? hindi ko kasi alam kung san ba ako pupunta eh o kung may pupuntahan ba talaga. Basta, sana lang hindi ko mabigo yung mga taong umaasa sa akin, yung FAMILY ko. sana!! At tsaka sana hanggat maaari wag maapektuhan yung mga tao sa paligid ko sa mga nangyayari sa sarili ko..Yun lang

ADIOS!!!!!!!!

Love you pa...

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are