Wednesday, March 15, 2006

bakit ganun?

bakit kaya ganun?
kapag malungkot ang isang taong malapit sayo,
bakit ba pati ikaw nalulungkot?
Bakit parang apektado ka?
At minsan pa nga mas apektado ka pa kaysa sa kanya?
Hindi mo naman gustong maapektuhan, kaya lang kasi..
pag nakikita mo siyang malungkot, malungkot ka na din..
Hay!!!
Bakit kaya ganun??
may isa kasing taong mahalaga para sa akin ang may problema ngayon.
At kapag nakikita ko siya at yung mukha niya, hindi ko maiwasan na hindi malungkot. pakiramdam ko pati ako may problema. Yung tipong pati ako apektado. Tas hindi ko pa alam kung ano yung pwede kong gawin para mabawasan yung lungkot niya, para gumaan yung pakiramdam niya. feeling ko tuloy wala akong kwenta kasi hindi ko man lang siya matulungan o hindi ko man lang siya mapasaya. Hay Naku!!! ang hirap... Bakit kaya ganun??

Basta, sana lang maging okey na siya. pinagppray ko na maging okey na talaga siya, na sana maayos na yung problema niya. sana bumalik na yung dating siya.. nakakamiss kasi eh..hay!!! Nandito lang po ako lagi para sayo....

No comments:

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are