Hay! medyo matagal na hindi nakapagpost. Gustong gusto ko na talagang magblog, kaya lang wala akong maisip na i-post. kaya, e2 na lang muna. kasi diba sabi ko noon na ang dami ng nangyari sa akin na hindi ko pa na-share. kaya yun na lang muna post q.
~February 4, 2006(pa, ito yung date kung kailan ko binigay yung flowers!! kinalimutan daw ba?? :D)
hay naku! para sa akin napaka-kengkoy ng araw na ito. Kengkoy, but still romantic pa din. ewan ko ba!? basta, comedy kasi eh. ito yung date kung kailan binigyan ko si pa q ng flowers as a peace offering. kasi ganito yun. Friday, nagkaroon kami ni pa ng misunderstanding and feeling ko nung mga time na yun it's all my fault. Siguro nga kasalanan ko talaga. eh di ayun na nga.. friday night, magkakasama kami nina Je_an & tin2 sa ministop. Alam na nila yung nangyari and parang sa kanila ako nagtatanong kung ano gagawin ko. Pero, eventually ako din yung nakaisip ng idea. Naisip ko ng noon na Bigyan ng flowers si Pa, for a change. Ayoko ko kasi na magsosorry lang ako, kasi lagi na lang ganoon. So, sabi ko para maiba naman, why not give my pa a flower?! diba?! so ayun, sinabi ko kina Je_an & tin2 yung idea ko and nag-agree naman sila. Ako naman parang medyo nagaalinlangan pa, hindi ko kasi alam kung paanong way ko siya ibibigay kay pa. Naisip ko talaga noon bigay ko sa harap ng clase..basta, napakaraming pakulo pa yung naiisip namin noon. eh di Saturday na noh. Pumasok ako ng maaga noon, kasi i've really decided na bibigyan ko ng flowers si pa. dapat punta kami ng Dangwa ni tin2 para doon bumili ng flowers, kaya lang masyado ng limited yung time kaya sa may tapat na lang ng school kami bumili, maganda din naman eh. Noong hawak ko na yung flowers sobrang kinakabahan na ako. as in major kaba talaga. Naisip ko pa nga na huwag na lang ituloy, baka kasi hindi mag-workout yung plano ko. pag pasok namin ni tin sa school, sobrang nagiisip na ako kung paano ko siya ibibigay in a simple yet romantic way. Mya2 nagkaroon na naman ako ng idea. Sabi ko, ipabigay ko na lang kaya kay Ma'am Moran bago magstart yung class. si Ma'am Moran, siya yung Mabait at very considerate naming professor sa Physics. Eh di ayun na nga, nagpasama ako kay Je_an sa faculty para kausupin si ma'am, hindi ko pa nga lam kung paano ko papakiuasapan si Ma'am, baka kasi hindi siya pumayag. eh yun na lang talga yung naiisip kong idea para maibigay siya kay pa. after ilang minutes na pakiusapan kay ma'am, pumayag din siya sa wakas. tapos, alam niyo ba muntikan pang pumalpak yung plano. Paano ba naman late si pa, at balak pa niyang wag na lang pumasok ng physics, dahil hindi na daw siya talaga aabot. sobrang nghina ako noon, feeling ko kasi hindi ko na talga siya mabibigay. yung tipong feeling ko sayang lang yung effort ko para doon. pero, buti na lang, dahil sa pangungulet ni Je_an pumasok din si pa kahit sobrang late na. at yun, naibigay ko din thru Ma'am Moran yung flowers. nakakatuwa nga eh. kasi ni minsan hindi ko na-imgine yung sarili ko na gagawin yun. tama nga yung sabi nila na, "Love is when you do things you swore you'd never do." HAAAAAAYYYY!!!grabe lang talaga... :D
~February 11, 2006
Hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko noong mga panahong ito. ito po kasi yung date kung kailan pupunta ako kina pa para manood ng play(MISS SAIGON) ng kapatid niya na si jerald and at the same makikila ko din yung momi&dadi niya pati yung isa pa niya kapatid na si Rycy Anne. Sosyal,diba???!! unahin ko muna yung sa play. well, ang masasabi ko lang, "Ang galing ni JERALD". hindi ko yan sinasabi dahil kapatid siya ni pa, sinasabi ko yan, kasi yun talaga yung nakita and na-experience ko. pero, kung tu2usin nga the whole play itself ay maganda, yung stage, yung props...basta, lahat talaga. doon lang kasi ako nakakita ng high school play na ganoon. yung na-eexperience ko kasing play sa hayskul ko, ang corny. hehe...basta, ang masasabi ko lang, "asteeg ni jerald." "idol." Tapos nameet ko na din c Rycy Anne. Amazing nga siya eh.. la lang kasi grade 6 pa lang siya tas parang developed na lahat sa kanya.. feeling ko kasi noong nasa grade 6 pa lang ako, neneng nene talag yung dating ko. eh si Rycy, parang dalaga na. ang ganda niya eh, di nagmana sa kuya niya..hehe. naisip ko nga noon na kapag nag-bloom na talaga siya totally mas gaganda pa siya.
next yung sa parents ni pa. sa skul pa lang noon, sobrang kinakabahan na ko. hindi ko kasi talaga alam gagawin ko. eh hello, makikilala mo lang naman momi&dadi niya??!!! yun na nga eh, momi&dadi niya yun..Hello!!!! tapos si pa kung anu-ano pa sinasabi. dapat daw ganito ko...dapat ganyan ako...lalo tuloy ako kinabahan, eh pano kung hindi ko magawa yun.. waaahhhh... pero Thank God, kasi naging okey naman, hindi ako naging ms. careless and i think i did well naman..(hala, may mga ganoong factor talaga?? i did well daw oh??!!) basta, naging okey naman lahat...mabait naman kasi momi&dadi niya eh, medyo nakakahiya lang talaga sa umpisa.
~February 14, 2005
valentines day, parang wala lang.. kala ko hindi ko makakasama si pa noong mga araw na ito. la kasing pasok noon eh. tas tinatapos pa nila yung revisions ng CDX namin. pero, nagkita pa din naman kami, kasi nagpunta ako ng school. Nag-pass kasi kami noong requirement for midterms sa humanities subj nmin. After noon nagpunta kami ng megamall, nagyaya kais momi ni pa na kumain and sinasama ako..WOW!! SOSYAL!!! :D sumama naman ako..tas yun nga kain kami kenny rogers..grabe nga eh, katakot kasabay sa kainan pamilya ni pa..paano ang dami pagkain...la lang..hehe.. nakakatuwa pa nga kasi yung momi ni pa may gift sa akin...HALA!!! kakahiya!!!! sobra...di ko alam kung ano irereact ko..unexpected....pero, syempre masaya ako...wla lang...ang bait lang kasi ng momi niya.. feeling ko kasi sa imagination ko lang may ganoong klase momi.. hay!!!!
~February 24, 2006
Community namin nito, kaya lang dahil sa mga di inaasahang pangyayari nawalan kami ng pasok. tapos ayun nagkasundo yung almost 1/4 ng class na magpunta na lang sa bahay nina pa. eh di nagpunta nga kami at doon kami nanggulo. medyo nakakahiya nga eh..dami kasi namin eh..doon kami kumain tas nag-videoke pa yun iba...
~February 25, 2006
nagpunta ako sa hayskul ko, kasi may battle of the bands. Wala talaga ako balak pumunta, kaya lang kasali kasi yung banda nina Rhone. Baka magtampo pag hindi ako pumunta. so ayun, nagpunta ako kahit wala ako kasama. okey naman yung tugtugan, kaya lang mas okey sana kung may kausap ako. kasama ko kasi yung ibang tropa ni rhone na taga Adamson, kaya lang nakakahiya naman kung dadaldalin ko sila kaagad. kaya yun, napanis ang laway ko....AYSUS!!!! madami magagaling na band yung sumali...saya nga eh, hindi nanalo sila Rhone, magaling din nman sila eh..kaya lang mas marami lang tlga yung mas magaling. Tsaka okey lang yun, kasi first time lang nman nilang sumali noon. marami pa silang ibang battle ba pwedeng salihan, diba??!!
so ayan na yung mga iba't ibang happenings sa akin...got to go na...
bye bye
i love you pa..
God Bless
:D
No comments:
Post a Comment