Tuesday, March 07, 2006

Patawad

patawad mahal ko,
kung ako'y nakapagisip...
nakapagisip na naman
ng mga bagay-bagay na ganito.

kanina, habang ako'y mag-isa
nakita kong may problema sa yong mga mata
ngunit hindi alam kung paano ito mapapawi
pakiramdam ko'y hindi ako ang kaylangan mo sa mga oras na yon
mya-mya pa'y nakita ko na ang namumuong pagtatampo sa iyong mga mata.
ako'y nalungkot, dahil hindi alam kung ano ang dahilan.

ilang sandali ng pananahimik
naramdaman kong unti-unti ng nababasa ang mga pisngi ko
nababasa ng mga luha ko na pilit kong itinatago
habang patuloy na pumapatak ang luha ko
bigla na lang pumasok ang mga bagay-bagay na ito sa utak ko
_______________
Naranasan mo na ba yung pakiramdam ng pagkainis sa sarili mo? Ako kasi "OO." Naiinis ka dahil sa maraming bagay na hindi mo maipaliwanag kung bakit patuloy mong ginagawa o kung bakit patuloy mong hindi ginagawa?. Naiinis ka sa sarili mo, kasi patuloy mong tinatanong kung bakit ka nga ba ganyan o kung bakit ka naging ganyan? Naiinis ka, kasi kahit sabihin mo na babaguhin mo na siya patuloy mo pa rin siyang ginagawa. Patuloy ka pa ring nagiging tanga sa mga kilos at aksyon na ginagawa mo, patuloy kang nagiging manhid sa mahal mo. Hindi mo man lang iniisip kung nasasaktan na ba siya sa mga aksyon na ginagawa mo. Hindi ka man lang nagiging sensitibo sa nararamdaman niya. Hindi ka man lang nagiisip kung anong mararamdaman niya sa mga sinasabi o sinusulat mo. Bakit ba kasi patuloy kang nagiging manhid?? Naiinis ka kasi hindi mo maipakita yung nararamdaman mo sa kanya. Lahat na lang dinadaan mo sa sulat. Bakit ba hindi ka magpakatotoo? bakit na hindi mo sabihin ng personal. Masasabi mo na lang bigla sa sarili mo na wala kang kwentang girlfriend. Mahal mo siya, pero ni hindi mo man lang ito masabi sa kanya ng personal, ng harap-harapan yung tipong titingnan mo siya sa mga mata niya. Ni hindi mo man lang siya tanungin kung ayos lang ba siya o may problema ba siya....Tapos, bigla ka na lang makakaramdam ng pagkalungkot. Makakapagisip ka na naman ng kung anu-anong klaseng bagay. Mga tanong na ikaw rin lang ang nakakaalam ng sagot. Tatanungin mo yung sarili mo kung karapatdapat ka ba talaga sa kanya? Kung karapatdapat ka ba sa pagmamahal niya? Lagi na lang kasi ganyan yung ginagawa mo. "LAGI NA LANG." Hihingi ka ng tawad pero patuloy mo pa rin siyang ginagawa. Nakakinis diba??!! Minsan, maiisip mo na lang na biglang mawala. Bigla na lang umalis, kasi kung ikaw rin lang yung magiging dahilan para masaktan yung taong mahal mo, bakit kaylangan mo pang manatili. Lagi mong sinasabi na sana mag-workout ang relasyong ito, na sana ito na yun, na sana maging pang habang buhay na siya. Pero bakit ganoon, parang ikaw pa yung nagiging dahilan kung bakit hindi maging pang habang buhay ang relasyong ito. Takot ka na iwan ka ng mahal mo, takot ka na baka bigla na lang magbago ang nararamdaman niya, takot ka na baka may makita siya na mas higit sayo. Pero, wala ka namang ginagawa para manatili siya sa tabi mo. At parang minsan tinutulak mo pa siya palayo sayo. Hindi mo ba naiisip na dahil yan sa mga kaartihan mo. Dahil yan sa mga katangahan mo. At kapag patuloy mong ginawa ang mga bagay na yan, baka magulat ka na lang na tapos na pala ang sinasabi mong pang habang buhay na relasyon.

Hindi ko alam kung paano ko mababago ng tuluyan ang ugali kong ito. Hindi ko din kasi alam kung bakit hirap na hirap akong gawin o ipakita yung emotion ko. Naiingit ako sayo, kasi ikaw kahit anong oras nasasabi mo sa akin yung nararamdaman mo. Pero ako, lagi na lang nakatago. Sana tulungan mo ako na unti-unting maipakita yung mga totoong nararamdaman ko. Tulungan mo ako na maging manhid sa mga nararamdaman mo. Alam ko kasi na lagi na lang ikaw yung gumagawa ng paraan. Ikaw yung unang lumalapit, ikaw yung unang nagtatanong, ikaw yung unang nakikipagusap. Sana maging totoo na ako sa nararamdaman ko. Pero, huwag mo naman sanang isipin na ikaw yung may pagkukulang kaya ako nagiging ganito. Ako ang may problema at hindi ikaw. Alam ko na ginagawa mo ang lahat-lahat, ginagawa mo ang part mo para sa relasyong ito na magtagal.

Patawad sa mga nasabi ko....
Maaaring maiinis ka na naman sa mga sinabi o naisulat ko dito
Patawad mahal ko...
Huwag ka sanang magalit..

I love you pa!!!!

1 comment:

Jermer said...

dont worry ma..
i'll always be here for you..
always..
forever..
i love you..

journey to the center of your deepest self and back out into the world with a broadened understanding of who you are